Umagang Kay Ganda

Producers ng ilang MMFF entries, inaming puno ng pagsubok ang pagbuo ng pelikula

ABS-CBN.com January 04, 2018 08:13 AM

 

Aminado ang ilang baguhang producers na hindi naging madali ang paglabas ng kanilang mga pelikula. Tulad na lamang ni Rachel Alejandro na isa sa mga producers ng “Ang Larawan,” at ni Rex Tiri na producer naman ng “Deadma Walking.” Marami silang natutunan sa naganap na MMFF. Sumugal ang karamihan sa kanila na gumawa ng dekalidad na pelikula ngunit dumaan sila sa maraming pagsubok sa kabuuan ng festival. Dumiretso sa pag-produce si Rachel matapos ang “Ang Larawan” dahil balak niyang ipalabas sa mga estudyante ang kwento. Para naman kay Rex, tama lamang na hindi ipakita ang ranking ng mga pelikula upang hindi maapektuhan ang mga manonood kung ano ang nais nilang panoorin.

 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA