TV Patrol

Mga sexy na abay, agaw-eksena sa pictorial

ABS-CBN.com July 12, 2018 08:37 PM


Sa isa sa pinakamakulay na showbiz pictorial ngayong taon, tinipon ng comedy film na “Abay Babes” ang ilan sa pinakamagandang bituin para sa kanilang bikini pictorial. 

Angat si Cristine Reyes na napanatili pa rin ang kanyang sexy niyang porma gayon din si Kylie Verzosa na dala pa rin ang charisma bilang dating Miss International. 

Hindi rin nagpahuli sina Nathalie Hart at Meg Imperial sa kanilang pag-emote sa pictorial ni Xander Angeles. Pabiro namang umeksena ang kalog ng grupo na si Roxanne Barcelo.

Gaganap sina Cristine, Kylie, Roxanne at Nathalie na batchmates na nag-reunion para sa isang kasal. May surprise twist naman sa role ni Meg. Walang intrigahan o bullying sa kanilang sisterhood na nabuo sa two-month shoot ni Direk Don Cuaresma sa Bicol at iba pang lugar.

Lalo pang bumongga ang pictorial sa pagsuot ng bersyon nila ng wedding dress na naka-bikini pa rin. 

Bahagi rin ito ng pagpapasigla ng CineFilipino sa panahon ng kompetisyon ng Hollywood blockbusters. 

Ang buong detalye sa pagpa-Patrol ni Mario Dumaual.
 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA