MONDAYS TO FRIDAYS AFTER MY DEAR HEART

ABOUT


Ito ay kwento ni Andeng Agoncillo, isang successful events organizer, tubong Batangas at breadwinner ng kanyang malaki, masaya at paminsan-misang magulong pamilya.

Bagamat niloko at nasaktan ng lalakeng malapit na niyang pakasalan, nanaig pa din sa kanya ang pangarap na balang araw ay magkaroon pa rin siya ng sariling pamilya kasama ang lalaking totong magmamahal sa kanya.

At mahahanap niya ang pagmamahal na ito sa katauhan ni Anton Noble IV, isang mayaman at successful na CEO. Si Anton ay isang single father at tumatayong Nanay at Tatay sa mga anak niya matapos siyang iwan ng kanyang asawang si Grace.

Dahil sa lubos na pagmamahal ni Andeng kay Anton, buong puso niyang tatanggapin ang buhay na kasama si Anton at ang tatlo niyang anak. Kasabay nito ang kumplikasyon ng pagkakaroon ng ex-wife ni Anton na lalong susubok sa kanyang paglalakbay na bumuo ng isang masaya at buong pamilya. Hanggang saan nga ba ang kayang tanggapin ni Andeng para ipaglaban ang pagmamahal niya kay Anton at ang tamang lugar niya sa buhay nito?