MONDAYS TO FRIDAYS AFTER LA LUNA SANGRE
Show Logo

SHOW UPDATES

BABALA, ANDENG! Mga tunay na nagmamahal kay Anton, umamin na sa social media!

Mary Ann Bardinas September 21,2017 09:04 PM

BABALA, ANDENG! Mga tunay na nagmamahal kay Anton, umamin na sa social media! Mary Ann Bardinas Bukod kay Grace (Iza Calzado), marami pang iba gustong makihati kay Andeng (Bea Alonzo) para sa puso ni Anton (Ian Veneracion)? Sila ay ang mga nagsasabing tunay na nagmamahal umano kay Mr. Noble IV: ang masugid na tagasunod ng tambalang #TonDeng (o kilala rin bilang “Penguins”) at tagasubaybay ng A Love To Last, ang teleseryeng talaga namang minahal at inantabayanan nating lahat.

Maraming nahuhumaling kay Ian sa angking kagwapuhan at kahusayan hindi lamang sa pag-arte, kundi pati na rin sa musika. Kaya naman may ilang manonood na talagang di makapagpigil sa kanyang mga eksena bilang Anton at nailalabas ang kanilang damdamin sa social media.

Ang sumusunod ay ilan sa mga nakakaaliw na tweets na nabasa namin patungkol sa pagmamahal ng netizens kay Mr. Noble IV, na tinatatwag ding #Baeneracion:

Makuha ka sa titig, este sa tingin.

 

 

Hindi lamang ovaries ang binabasag ni Anton, pati na rin ang age gap.

 

Inspirasyon? Titig lang sa picture ni crush, bes!

 

too lazy to work.. I need motivation.... #Crush #IanVeneracion

Para-paraan.

 

So inggit. We love your job too!

 

‘Yong feeling na akala mo di ka niya kayang paiyakin? Pero magaling talaga e.

 

‘Yong sa sobrang pogi niya, mapapakanta ka nalang...

 

…o mapapatameme sa pag-awit at pagtugtog niya ng piano?

 

 

Pero sa bandang huli, ang masasabi mo lang e, ang gwapo niya talaga!

 

 

 

 

 

 

 

Alam naming magkakasepanx ka kay Anton, kaya naman kapit na sa mga nalalabing yugto ng A Love To Last sa Primetime Bida, pagkatapos ng La Luna Sangre!

 

Related