Lunes - Biyernes pagkatapos ng TV Patrol!

CAST

Coco Martin

Coco Martin

Ador de Leon/Cardo Dalisay

Ador de Leon- Galing siya sa pamilya ng mga pulis. Puno ng idealismo si Ador sa kanyang tungkulin kaya naman nagsusumikap siyang maging isang tapat na alagad ng batas. Pero susubukin ito nang magkaroon ng matinding pangangailangan ang pamilya. Ano ang magiging mas matimbang sa kanya—ang sinumpaang tungkulin bilang pulis o ang kapakanan ng kanyang pamilya?

Cardo Dalisay
- Napahiwalay sa kambal na si Cardo. Isa na ngayong SAF officer sa Botolan, Zambales. Matulungin sa mga katutubo lalo na sa mga bata, pero ayaw niyang mapalapit ang kalooban niya sa mga ito. Takot siya sa intimacy. Lahat kasi ng taong malapit sa kanya, lagi na lang nawawala. Paniwala niya, okay lang ang sumugod ng sumugod sa laban. Tutal, wala naman iiyak sa pagkawala niya. Hanggang sa kailangan ni Cardo na magpanggap bilang kanyang namatay na kakambal para mapatumba ang isang malaking sindikato. Pero ang mas mahirap na misyon na kanyang tatanggapin: Ang magpanggap na ama, asawa at apo.

Susan Roces

Susan Roces

Lola Flora

Ang mapagmahal na Lola ni Ador. Siya si “Lola Kap” sa kanyang mga kapitbahay.   Kapitana ng baranggay at retired teacher. Siya na ang nagpalaki kay Ador ng maulila ito. Masayahin si Lola Flora, takbuhan ng mga nangangailangan. Tagapayo at taga-ayos ng gulo sa komunidad. Pero sa loob niya, tinatago ni Lola ang matinding kalungkutan at pagsisisi na hindi niya alam na babalik sa kanya isang araw—ang pinaampon niyang apo na si Cardo.

Maja Salvador

Maja Salvador

Glen

Galing sa isang mapagmahal at masayang pamilya sa Botolan. Boyish at magaslaw. Light-hearted at maganda ang tingin sa buhay. Siya ang “peacemaker” hindi lang sa community nila, pero pati sa loob ng bahay. Siya ang “referee” pag may tampuhan ang tatay at nanay niya. Mahilig siyang umayos ng gulo at mag-advice sa iba...Pero sarili niyang love-life, hindi niya maayos. Nai-in love kasi siya ng husto kay Cardo nung teenager palang sila. Lagi niya itong sinusundan. Gusto niya maging shoulder to cry on ng lalake. Yun nga lang, mailap si Cardo, sarado kasi ang puso nito sa pag-ibig.  At higit sa lahat, ang tingin lang sa kanya ni Cardo, katropa! Pero hindi susuko si Glen. Gagawin niya ang lahat, mapaintindi lang kay Cardo na hindi dapat ito matakot mahalin at magmahal.

Bela Padilla

Bela Padilla

Carmen

Asawa ni Ador. Mapagmahal na ina ng anak nilang si Junior. Pilit man niya tinatanggap na pulis ang asawa, lagi pa din siyang nag-aalala para sa kaligtasan nito. Tinalikuran niya ang pangarap na magtrabaho sa ibang bansa para kay Ador. Para sa kanya, Ador is her home at kanyang tagapagligtas. Pero masusubukan ang paniniwalang ito ni Carmen tuwing kailangan unahin ni Ador ang tungkulin bago ang kanilang pamilya.

Arjo Atayde

Arjo Atayde

Joaquin

Kabaligtaran si Joaquin ni Ador sa pagiging alagad ng batas. Kung si Ador, tapat sa kanyang tungkulin, protektor naman si Joaquin ng isang malaking international syndicate. Kakompetensya siya ni Ador sa academy. Gagawin niya ang lahat para tuksuhin si Ador at mahatak ito sa kanyang masamang gawain.

Albert Martinez

Albert Martinez

Tomas

Ama ni Joaquin at charismatic owner ng “Papa Tom’s Burgers”, ang pinakamalaking fastfood chain sa bansa. Malapit siya sa mga bata, lalo na sa mga mahihirap. Kaya naman nagtayo din siya ng foundation para sa kanila. Dahil dito, lagi siyang pinaparangalan ng mga cause oriented groups at ng mga business organizations. Pero sa likod ng malasakit niya sa kapwa at kahanga-hangang image, isang madilim na sikreto ang kanyang tinatago.

Agot Isidro

Agot Isidro

Verna

Asawa ni Tomas at Ina ni Joaquin. Mahal niya ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang mga anak. Malaki ang respeto sa kanya ng mga tao lalo na’t asawa siya ng charismatic na si Tomas. Pero hindi siya pinapatahimik ng kanyang konsensya dahil sa madilim na sikreto ng kanyang asawa... Isang sikreto na gusto niyang takasan alang-alang sa kaligtasan ng kanyang mga anak.

Jaime Fabrigas

Jaime Fabrigas

Delfin

Kapatid ni Lola Flora, Lolo ni Ador at Cardo. Isang Heneral at Director ng CIDG. Tapat sa kanyang tungkulin at mahal niya ang pamilya ng kanyang Ate Flora. Pero mapipilitan siyang magdesisyon at maglihim sa pamilya para sa isang misyon. Dahil din sa kanyang ginawa, mabubuksan ang mga tinatagong hinanakit ni Cardo at Flora at magkakaron ng pagkakataong mabuo ulit ang kanilang pamilya.