Lunes - Biyernes pagkatapos ng TV Patrol!
Show Logo

SHOW UPDATES

Benny: "Maraming salamat my Dear Friend."

ABS-CBN.com January 11,2017 12:10 PM

Yo what's up yo? Ok ba tayo diyan? Balita ko umiyak ka daw? Sabi ko naman kasi sayo lagyan mo ng asin yung sibuyas e. Hehe. Balita ko galit ka Kay Greg at Kay Joaquin? O Kung kanino man? Bakit ka ba galit na galit? At seryoso ba pati kay Onyok at sa Hotdog? Pambihira, umiwas ka nga sa masebong pagkain. Hehe. Pero hindi nga, ayaw mo ba talaga akong mawala? Ayaw mo ba akong pumunta sa Langit? Excited kayo ako makita si Lord at yung guardian Angel ko. Pati si St. Peter. Kasi gusto ko itanong kung ano palagay niya sa paggamit ng pangalan niya for business. Hehe. Siguro may bigote din siya. ...Ang totoo, naiintindihan kita. Kahit ako naman, mamimiss kita. Hindi nga lang masyado, tatapatin kita. Kasi hindi naman ako mawawala. Kailangan ko lang magpahinga. Yung mga alaala ng mga biruan natin, sabay na lang din nating ipunin. Kung trip mo, pwede mo paghaluin, dagdagan at gamitin. Sa akin ang mahalaga, ay kung saan ka masaya. Basta walang tinatapakang iba. Mabuti man sila o Masama. Sa paningin nila. Kung sino man sila. Hindi ako kakapit sa iyo. Hindi ka kakapit sa akin. Kakapit tayo sa isa't isa. Kapit tayong mahigpit sa Love. Kapit tayo sa Tama. Kapit tayo sa Kanya.🙏 At Mahal kita. Baka Sakaling alam mo na. Sa Wakas, mula sa itaas, magagabayan na kita. Pag nabibigatan ka na, hinga lang ng hinga. Tapos try mo tumingala. Tulad ng isang Probinsyanong nanghaharana sa isang Probinsyana. Kung hindi tayo magkita, pikit ka. O kaya balikan mo ito. Hehe. Mahal kita. Inuulit ko lang kahit nasabi ko na. Maraming salamat my Dear Friend. Yours truly, Benny Dimaapi.

A photo posted by Pepe Herrera (@pepe.herrera) on

 

Related