Lunes - Biyernes pagkatapos ng TV Patrol!
Show Logo

SHOW UPDATES

Mga kalaban ni Coco, sanib-puwersa na sa “FPJ’s Ang Probinsyano”

ABS-CBN.Corp.Comm December 01,2017 07:48 PM

Mas malaking panganib ang nagbabadya sa buhay ni Cardo (Coco Martin) dahil sabay-sabay nang aatake ang kanyang mga katunggali sa nangungunang serye sa bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Wala nang kawala si Cardo at ang mga kasamahan niyang Pulang Araw dahil patuloy na isisisi sa kanila ni direktor Hipolito (John Arcilla) ang sunod-sunod na pagsabog ng mga bomba sa Maynila, na lalong sisira sa kanilang reputasyon. Sabay din dito ang planong paghihiganti ni Don Emilio (Eddie Garcia) at pakikipagtulungan niya kay Sen. De Silva (Joko Diaz) upang matugis ang kanyang mortal na kaaway.

Sa kabila naman ng mga pagsubok, patuloy namang tutulungan si Cardo ng kanyang lolo Delfin (Jaime Fabregas) at ng asawang si Alyanna (Yassi Pressman) sa paghahanap ng katotohanan sa katawaliang nangyayari sa gobyerno.

Malantad na kaya ang katotohanang si direktor Hipolito ang may kagagawan ng lahat ng kasamaan? Patuloy kayang maging ligtas si Cardo mula sa kapahamakan?

Tutukan ang maaaksyong tagpo sa nangungunang serye sa bansa, ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” gabi-gabi sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para mapanood ang past episode ng palabas, mag-log in lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

 

Related