Sunday after Kapamilya Blockbusters
Show Logo

SHOW UPDATES

Kim at Christian, maninindak sa shooktacular na “ASAP”

ABS-CBN Corp Comm October 28,2017 01:59 PM

Makikipagsindakan ngayong darating na Linggo (Oct. 29) ang lead stars ng “The Ghost Bride” na sina Kim Chiu at Christian Bables sa shooktacular na “ASAP.”

Isang pasabog na concert treat naman ang hatid nina Yeng Constantino, KZ Tandingan, at Piolo Pascual, habang sisiklab naman ang “ASAP” stage kina Bea Rose Santiago at Ina Raymundo.

90s throwback naman ang tema sa “ASAP” jambayan kasama Zia Quizon, Moira dela Torre, Kaye Cal, Isabela Vinzon, Migz Haleco, at Inigo Pascual habang darating rin sa selebrasyon sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Nakaantig naman na kwentong pag-ibig ang bibida sa “ASAP” LSS kasama sina KZ Tandingan, Ito Rapadas, Nina, Daryl Ong, Kyla, at Sunshine Cruz.

Halloween treat naman ang handog nina Elmo Magalona, Jameson Blake, Brace Urquiza, Kira Balinger, Maris Racal, Nhikzy Calma, Chunsa, at BoybandPH habang bibirit naman ng alternative rock ang “ASAP” Birit Queens.

Pakinggan rin ang pangatlong set ng Himig Handog na songs mula kay Jake Zyrus, Migz Haleco, Unit 406, Jason Dy, at Kyla.

Huwag palalampasin ang “ASAP” ngayong Linggo (Oct.29), 11:45AM, sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Maaaring mapanood ang replay ng episode sa iwantv.com.ph o kayasa skyondemand.com.ph para sa mga Sky subscribers. I-tweet na ang iyong reaksyon o opinyon sa show sa Linggo gamit ang official hashtag na #ASAPSpooktacular.

 

Related