Sunday after Kapamilya Blockbusters
Show Logo

SHOW UPDATES

Liza at ASAP BFF5 may ipapauso sa “ASAP” Just Love day

ABS-CBN.Corp.Comm November 18,2017 04:43 PM

 

Isang ponytail dance craze ang pauusuhin ni Liza Soberano kasama ang “ASAP” BFF5 na sina Maris Racal, Andrea Brillantes, Kira Balinger, Ylona Garcia, at Loisa Andalio ngayong Linggo (Nov 19) sa “ASAP.”

Makikisali rin sa selebrasyon sina Maja Salvador, Enchong Dee, Yassi Pressman, at Kim Chui pati ang heartthrobs na sina Ronnie Alonte, Jerome Ponce, Mccoy de Leon, at Elmo Magalona.

Bibida rin ang mag-inang sina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde kasama ang ibang stars ng pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na “Hanggang Saan” pati na rin ang kumanta ng theme song nito na si Jessa Zaragoza.

Hugot naman mula sa mga kilalang pelikula ang babander sa “ASAP” Jambayan.

Bibigyan pugay naman ng “ASAPinoy” ang mga awitin ni Rico J. Puno na pamumunuan ng tribute master na si Gary Valenciano kasama ang OPM hitmakers na sina Randy Santiago, Hajji Alejandro, at Ogie Alcasid pati sina Toni Gonzaga, Jay-r, Richard Poon, Kyla, at Piolo Pascual.

Abangan rin ang pasabog na mga bagong kanta nina Darren Espanto, Matteo Guidicelli, at Gloc 9 kasama ang Agsunta band at si KZ Tandingan.

Huwag palalampasin ang “ASAP” ngayong Linggo (Nov 19), 11:45AM, sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Maaaring mapanood ang replay ng episode sa iwantv.com.ph o kayasa skyondemand.com.ph para sa mga Sky subscribers. I-tweet na ang iyong reaksyon o opinyon sa show sa Linggo gamit ang official hashtag na #ASAPJustLoveDay.

 

Related