Sunday after Kapamilya Blockbusters
Show Logo

SHOW UPDATES

“Singer” 2018 international contender KZ, magpapasiklab sa “ASAP” ngayong linggo

ABS-CBN Corp Comm February 10,2018 05:51 PM


Fresh sa pagkapanalo niya ngayong linggo sa “Singer” 2018, nagbabalik at bibida ang Soul Supreme ng bansa na KZ Tandingan ngayong Linggo (Feb 11) sa “ASAP” stage.


Mapupuno rin ng kilig ang weekend hatid ng mga tinitiliang Kapamilya loveteam na sina Liza Soberano at Enrique Gil, Janella Salvador at Elmo Magalona, Elisse Joson at McCoy de Leon, Maris Racal at Inigo Pascual, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
 

Isang Valentine’s treat naman ang hatid ni Kim Chiu kasama sina Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Mark Neumann, Kisses Delavin, Maymay Entrata, Edward Barber, Joshua Garcia, Julia Barretto, Toni Gonzaga, at Piolo Pascual.
 

Mga espesyal na Valentine’s stories naman ang babandera sa “ASAP” TLC: The Love Connection, kasama sina Kyla, Dary Ong, Erik Santos at Angeline Quinto habang manghaharana naman si Shane Filan ng sikat na 90s boyband na Westlife.
 

Makakasali rin sa saya ang cast ng pinakabagong primetime serye ng ABS-CBN na “The Blood Sisters” na pinagbibidahan ni Erich Gonzales kasama sina Ejay Falcon, AJ Muhlach, at Enchong Dee na dadagdagan pa ng Aegis.

Papainitin naman ang “ASAP” stage ng cast ng “Sin Island” na sina Xian Lim, Nathalie Hart, at Coleen Garcia.

Mga kanta naman ni Frank Sinatra ang hatid ng “ASAP” Replay: Retro Playlist kasama sina Yeng Constantino, Aiza Seguerra, Jona, at Daniel Padilla pati sina Jed Madela, The Company, Imelda Papin, at Gary Valenciano habang 80s OPM classics naman ang kakantahin nina Moira dela Torre, Isabela Vinzon, Migz Haleco, at Inigo Pascual sa “ASAP” Jambayan.
 

Huwag palalampasin ang “ASAP” ngayong Linggo (Feb 11), 11:45AM, sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Maaaring mapanood ang replay ng episode sa iwantv.com.ph o kayasa skyondemand.com.ph para sa mga Sky subscribers. I-tweet na ang iyong reaksyon o opinyon sa show sa Linggo gamit ang official hashtag na #ASAPBigLove.

 

Related