Sunday after Kapamilya Blockbusters
Show Logo

SHOW UPDATES

Cast ng “Bagani,” bibida sa “ASAP”

ABS-CBN.corp.com March 04,2018 06:21 PM

 

Isang pasabog ang naghihintay ngayong Linggo (Mar 4) sa pagdating ng mga bida ng pinakabagong fanstaserye ng “ABS-CBN” na “Bagani” na sina Liza Soberano, Matteo Guidicelli, Sofia Andres, Makisig Morales, at Enrique Gil sa “ASAP.”

 

 

Hindi rin magpapahuli ang world class concert production nina Sarah Geronimo at Yeng Constantino habang isang sorpresang musical performance naman ang hatid nina Piolo Pascual, Sam Milby, Julia Barretto at Yassi Pressman.

 

Mga romantic love song naman ang handog nina Erik Santos, Kyla, Daryl Ong, at Angeline Quinto sa “ASAP” TLC: The Love Connection.

 

Panibagong dance challenge na pinamagatang “Lemon” dance ang pauusuhin nina Inigo Pascual. Darren Espanto, Sam Concepcion, at Kim Chiu habang makikisaya rin sina AC Bonifacio, Heaven Peralejo, Maymay Entrata, Grae Fernandez, Donny Pangilinan, at Edward Barber.

 

Patuloy naman ang “ASAPinoy” banda series sa pagbibigay pugay nila sa musika ng “Southborder” kasama ang tribute master na si Gary Valenciano habang mga 2000 R & B hits naman ang matutunghayan sa “ASAP” Jambayan.

 

Huwag palalampasin ang “ASAP” ngayong Linggo (Mar 4), 11:45AM, sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Maaaring mapanood ang replay ng episode sa iwantv.com.ph o kayasa skyondemand.com.ph para sa mga Sky subscribers. I-tweet na ang iyong reaksyon o opinyon sa show sa Linggo gamit ang official hashtag na #ASAPSundaySplash.

 

Related