EVERY SATURDAYS AFTER ANG MGA KWENTO NI MARCK LOGAN | SUNDAYS AFTER KAPAMILYA MEGA BLOCKBUSTER
Show Logo

SHOW UPDATES

Celebrity babies, makikipagkulitan na kay Juday sa “Bet On Your Baby”

ABS-CBN Corp. Comm. May 12,2017 12:03 PM

Magaganap na ang pinakaabangang comeback ng cutest game show sa Philippine TV na “Bet On Yor Baby” ngayong weekend sa ABS-CBN.

Bilang buena mano, limang celebrity babies at kanilang celebrity mommies or daddies ang makikipagkulitan sa host nito na si Judy Ann Santos-Agoncillo at haharap sa iba’t ibang games sa loob Baby Dome.





Abangan sina baby Aiden ni Hashtag Nikko, baby Michelle ni Patrick Garcia, baby Marley ni Matt Evans, baby Alonzo ni Dimples Romana at baby Seyah ni Amy Perez at panoorin sino sa kanila ang aabot sa jackpot round.





Makikilala na rin ang pinakbagong kakulitan ng bayan na si Piggy Bangs. Isa kaya sa kanilang ang tanghaling unang Babynaryo o baby millionaire ngayong season?


Huwag palalampasin ang pag-uumpisa ng cutest game show sa PH TV, ang “Bet On Your Baby” ngayong Sabado (May 13), 5:15PM, at Linggo (May 14), 5PM sa game show capital ng ng Pilipinas, ABS-CBN.

Para sa updates i-like ang www.facebook.com/betonyourbabyph o i-follow ang @betonyourbabyph sa Twitter at Instagram.

 

Related