EVERY SATURDAYS AFTER ANG MGA KWENTO NI MARCK LOGAN | SUNDAYS AFTER KAPAMILYA MEGA BLOCKBUSTER
Show Logo

SHOW UPDATES

Buhay, guminhawa para sa mga pamilya ng babynaryos ng “Bet On Your Baby”

ABS-CBN.com May 18,2017 11:08 AM

Hindi lang nakapagsaya at nakapag-bonding ang pamilya sa hit ABS-CBN game show na “Bet On Your Baby,” kung hindi nabago rin ang buhay nila dahil sa dalang swerte ng kanilang munting mga chikiting na sa murang edad ay kinilala na bilang Babynaryos o mga baby na milyonaryo ng programa. 

Sa muling pagbabalik ng cutest game show sa Philippine television noong nakaraang weekend sa pangunguna pa rin ni Judy Ann Santos-Agoncillo, may pagkakataon na naman ang mga baby at ang kanilang mommies at daddies para magwagi ng P1 milyon na tiyak makakatulong sa pangangailangan ng pamilya.

Isa sa nabago ang buhay ay ang pamilya ni Baby Andot na dati ay nakatira lang sa ilalim ng tulay.

“Pag-uwi namin hindi kami nakatulog kasi iniisip naming panaginip lang na nanalo kami ng house and lot. Ang laking pagbabago kasi nagkaroon kami ng bahay at may sarili na rin kaming tricycle,” sabi ng inang si Badet. 

Nakapagnegosyo naman ang pamilya ni baby Hans dahil sa milyong napanalunan nila.

“Hindi ko kikitain sa pagtanda ko iyong napalanunan namin. Napakapagtayo na kami ng computer shop. Sobrang pagpapala iyong magtayo ka ng isang business kasi doon mo masisimula iyong mga pangarap mo para sa pamilya,” sabi ni ginang Abuhin. 

Nangangahulugan naman ng pagsasama-sama ng pamilya ang tagumpay ni baby Hannah at ng Arvesu family.

“Parang naging instant celebrity kami. Isang malaking pagbabago sa buhay namin ito kasi dati pangarap lang sa amin iyong magkabahay at lupa. Hindi na niya kailangan Mag-OFW pa,” sabi ni ginoong Arvesu.

Tinutukan agad ang pilot week ng “Bet On Your Baby” na nagkamit ng national TV ratings na 15.1% at 11.7% kumpara sa kalaban na may 11.8% at 9.7% lang noong Sabado at Linggo (Mayo 13 at 14), ayon sa datos ng Kantar Media. Muntikan nang maging Babynaryo ang anak nina Patrick at Nikka Garcia na si Michelle. Unang hampas ni Patrick sa baboy ay nakuha agad nito P300,000. Matapos nito ay nagpasya na itong hindi tumuloy at nang tanungin ni Juday kung anong baboy sana ang sunod niyang babasagin, makukuha dapat ng pamilya Garcia ang P1 milyon.

Sino pa kaya ang celebrity babies o families ang maglalaro this week? Sino ang buena manong tatanghaling Babynaryo sa season na ito?

Panoorin ang cutest game show sa PH TV, ang “Bet On Your Baby” tuwing Sabado, 5:15PM, at Linggo, 5PM sa game show capital ng ng Pilipinas, ABS-CBN. Para sa updates i-like ang www.facebook.com/betonyourbabyph o i-follow ang @betonyourbabyph sa Twitter at Instagram.

 

Related