SATURDAY pagkatapos ng TV Patrol Weekend

ABOUT


Si ROMEO VALENTINO ( John Lloyd Cruz ) ay 30 years old and only child ng byudong si DADDY V ( Rico Puno) isang retired government employee na may pagka chickboy. Si DADDY V na ang nagpalaki kay ROMEO after maaksidente ang misis nito (Romeo’s mother) sa isang car accident.  Charming, carinoso, masayahin at maalalahaning anak si Romeo. Ito ang mga katangian na minana niya sa kanyang ama kaya lapitin at madali silang mahalin ng mga babae. Ito rin ang naging puhunan niya para makapasok na isang med rep sa FIRST LAB PHARMACEUTICAL COMPANY ( The Greatest LAB of all ) .
Maalagang anak si ROMEO, he make sure na hinde ito kumakain ng bawal na pagkain ang ama. Matulungin na kaibigan, sweet at loving husband kay JULIE.
Nakilala ni ROMEO sa isang Medical Mission sa school si JULIE MATAHIMIK isang school teacher. Love at first sight si ROMEO kay JULIE and unlike others girls na nagkakandarapa kay ROMEO si JULIE ay deadma sa kanya.
Si JULIE ay 29 years old.Panganay sa 2 kapatid na si GIGI at RENCE. Simple, responsible pero masayahing ate si JULIE. Sole breadwinner of her family. Maagang na expose sa pag-aasikaso ng pamilya mula ng mawalan ng communication sa ama na nag-seaman (jump ship). Habang nagtitinda ang ina sa palengke ay si JULIE ang nag-aalaga sa mga kapatid. Gustong makita ni NANAY LOI na guminhawa ang buhay ni JULIE kaya ang gusto nito para sa anak ay ang greencard holder at biglang yaman na si JAYJAY at hinde ang nag-uumpisa pa lang na maging med rep na si ROMEO. Ipagtatanggol naman ni DADDY V ang anak na si ROMEO sa panglalait ng ina ni JULIE na super ambisyosa daw.
Dahil nagmamahalan si ROMEO at JULIE kahit hinde magkasundo ang bawat partido nila ay itinuloy pa rin nila ang pagpapakasal.  Pero may kasabihan nga tayo na pag nagpakasal ka ay kasama mong pinakasalan ang buong angkan ng asawa mo.
Kaya ang dati nilang pangarap na isang simple at tahimik na pamilya ay mauuwi sa magulo pero masayang pagsasama kahalo ang kanilang sawsawero at sawsawerang mga kamag-anak.
Eto ang kanilang HOME SWEETIE HOME.