SATURDAY pagkatapos ng TV Patrol Weekend

CAST

John Lloyd Cruz as Romeo Valentino

John Lloyd Cruz as Romeo Valentino

3o years old. Only child ng isang retired government employee na si Daddy V ( Rico Puno). Charming, carinoso, masayahin at maalalahaning anak si Romeo. Ito ang mga katangian na minana niya sa kanyang ama kaya lapitin at madali silang mahalin ng mga babae.

Ito rin ang naging puhunan niya para makapasok na isang med rep sa FIRST LAB PHARMACEUTICAL COMPANY. Minsan nagiging liability din ni Romeo ang pagiging accommodating dahil yung salesmanship niya napagkakamalang panliligaw ng mga kliyente o mga kausap lalo na kung babae ito.

Maalagang anak kay Daddy V, he make sure na hinde ito kumakain ng bawal na pagkain ang ama. Matulungin na kaibigan, sweet at loving husband kay JULIE.

Toni Gonzaga sa Julie Matahimik

Toni Gonzaga sa Julie Matahimik

29 years old. English school teacher sa O.P. MONTESSORI.
Panganay sa 2 kapatid. Simple, responsible pero masayahing ate. Sole breadwinner of her family.

Maagang na expose sa pag-aasikaso ng pamilya mula ng mawalan ng communication sa ama na nag-seaman (jump ship). Habang nagtitinda ang ina sa palengke ay sa kanya iniiwan ang mga kapatid na si GIGI at RENCE.

Dutiful daughter pero hirap siyang sundin ang request ng ina na hiwalayan si Romeoo dahil ang manok nito para sa kanya ay ang greencard holder at biglang yaman na si JAYJAY.

Rico Puno

 as Vino Valentino

Rico Puno as Vino Valentino

Isang TAPAT pero MAABILIDAD na government employee (Business Section / Licensure. Charming at mabulaklak manalita lalo na sa kababaihan. Nag-enjoy sa pagkabinata kaya in his mid 30’s na nakapag-asawa. Nang makilala ang pinangarap niyang babae (mother of Romeo) ay hinde na niya ito pinakawalan at agad pinakasalan. Maagang na byudo si Daddy V nang aksidenteng ang asawa. Hinde na siya nag-asawa ulit sa takot na baka hinde tratuhin nang tama ang anak niyang si Romeo. Mag-isa niyang pinalaki si Romeo.

After mapalaki nang maayos si Romeo ay nag retire na si Daddy V sa trabaho at nag-enjoy na sa buhay. Nagbuhay binate ulit. Mahilig magpa impress sa mga dorm girls na kabitbahay nila. Ito ang kinaiinis nang balae niyang si NANAY LOI kay Daddy V ang chickboy na image nang ama ni Romeo.

Sandy Andolong as Loida Matahimik

Sandy Andolong as Loida Matahimik

Ambisyosa pero dahil gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya. Passionate sa mga bagay na gusto niyang gawin. Naging domineering kaya yung pangarap niyang makarating nang abroad ay pinuwersa sa asawa na maging seaman. Ang problema hinde na nagpakita ang asawa at nag jump ship.

Tutol siya kay Romeo kahit alam niyang mabait na manugang ito dahil mas gusto niya si JAYJAY for Julie’s financial security. Mapupunta ang focus sa pangalawang anak na si GIGI. Hihigpitan niya sa panliligaw ang anak dahil siya na lang ang mag tsansya na umayos ang buhay. Kumukulo ang dugo sa balae niyang si Daddy V dahil sa bukod sa mayabang daw ay tumadero pa at mayabang.

Jason Gainza as Jayjay Perez

Jason Gainza as Jayjay Perez

35 years old. Landlord cum school administrator (owner) at longtime suitor ni Julie. Siya ang manok ni Nanay Loi sa anak na si Julie. Gullible, trusting but lacking in social sophistication. Baduy pumorma.

Biglang yaman nang sa kanya pinamana lahat nang namatay na tyuhin sa Hawaii ang naiwan nitong mga ari-arian. Naging U.S. citizen. Mahilig sa makikintab at bulaklaking polo. Head over heels kay Julie. Feeling niya siya pa rin ang mahal ni Julie dahil itinakas lang ito ni Romeo.. Dinadaan sa regalo ang mga tao para makuha niya. Always waiting sa paghihiwalay ni Romeo at Julie.

Miles Ocampo as Gigi Matahimik

Miles Ocampo as Gigi Matahimik

Si GIGI ay 4th year highschool student na may full scholarship sa private school na pinagtuturuan ni Julie. Opposite siya nang ate Julie niya. Magaling mangatwiran, pala sagot at vocal sa mga opinion niya (Ala Maricel Soriano) may pagka rebelde.

Mahilig sa gwapo. Pareho nang ibang teenagers ay mahilig din ito sa mga gadgets at laging pino-post ang mga bagay na nangyayari sa kanilang buhay. Asar kay KIM (Ryan Bang) ang Korean na manliligaw niya na boto ang nanay niya. Sa kanya kasi nalipat ang focus nang ina na makapag-abroad ito. 

Clarence Delgado as Rence Matahimik

Clarence Delgado as Rence Matahimik

Ang malusog na bunsong anak ni Nanay Loi. Ang only boy sa pamilya. Bibo mahirit at matakaw. Mature thinking in his age. Siya ang mata at tenga ni Nanay Loi against Romeo. Pero mabilis bumalimbing pag nasusuhulan ng pagkain ni Romeo.

Lahat ng secret plan nang nanay niya ay ibubuko niya. Kino-kontrol ni Julie ang pagkain dahil sobrang taba. Pero nagtataka sila at hinde pumapayat. Malakas kasi ang pang-amoy niya at siya ang kadalasang nakakakita nang mga bawal na pagkain na tinatago ni Daddy V.

Joross Gamboa as Glenn Dela Torre

Joross Gamboa as Glenn Dela Torre

Isa sa bestfriend (kababata) at kapitbahay ni Romeo. Tinulungan na ipasok ni Romeo na med rep. Idol niya si Romeo dahil sa lapitin ito ng chicks..

Malakas ang loob at sugod ng sugod sa mga sitwasyon pero bahala na sa huli. Madiskarte pero kadalasan palpak at si Romeo ang laging umaayos ng gusot na pinapasok nito. Pag may problema si Romeo ay automatic na tutulong ito nang di nagpapaalam sa kaibigan kaya madalas hinde sila nagkakaintindihan

Ketchup Eusebio as Chris Suarez

Ketchup Eusebio as Chris Suarez

Isa sa kaibigan at kababata ni Romeo. Inaanak ni Daddy V. Kasamang ipinasok ni Romeo as med rep sa pinapasukan niya. Chickboy na torpre. Mahilig sa babae pero takot lumigaw kaya si Glenn ang taga ligaw niya. Willing victim sa mga palpak na plano ni Glenn. Pareho nilang inaaswang ni Glenn si Ma’am Candy pero hinde sila type nito.

Eda Nolan as Ma'am Candy

Eda Nolan as Ma'am Candy

Kasamahan at bestfriend titser ni Julie sa O.P. Montessori. Sounding board ni Julie lalo na pag may tampuhan ang mag-asawa. Masungit sa estudyante kaya madalas narereklamo nang mga parents ng mga bata. Dahil sa pagiging maganda at seksi ay lapitin ito nang mga daddy ng estudyante niya na madalas pinagseselosan nang mga misis.

Hinde natuloy palayasin ni Jayjay nang malaman nito na kaibigan siya ni Julie. Sipsip kay Jayjay at tsinitsismis dito ang pagtatampuhan nang mag-asawa.

Laging inaaswang ni Glenn at Chris.