Weekdays at 11:30 AM
Show Logo

SHOW UPDATES

Jake, lola ni Gerald ang alas sa paghihiganti sa Ikaw Lang ang Iibigin

January 11,2018 08:44 AM

 

Mas magiging tuso si Carlos (Jake Cuenca) upang maghiganti laban kay Gabriel (Gerald Anderson) ngayong gagamitin niyang patibong si Lola Lydia (Gina Pareño) para saktan ang mortal niyang karibal sa huling tatlong linggo ng “Ikaw Lang ang Iibigin.”

Nabigo nga si Carlos sa plano niyang pagpatay kay Gabriel matapos itong makaligtas mula sa kamay ng mga sindikatong nais tapusin ang kanyang buhay. Dahil dito, pupuntiryahin ni Carlos si Lola Lydia at kukunin ang tiwala nito bilang panakot kay Gabriel sa maaaring kahinatnan ng matanda sa oras na gumawa ito ng maling hakbang laban sa kanya.

Sabay naman sa masasamang plano ni Carlos ay unti-unti na ring nabubunyag ang malalagim niyang sikreto matapos madiskubre ni Bianca (Kim Chiu) ang milyon-milyon niyang pera sa bangko mula sa transaksyon sa mga sindikato. Napatunayan na rin ni Gabriel ang kaugnayan niya sa pagkakawala ng pera ng Tiger Shark matapos nitong makita ang pakikipagsabwatan niya sa isang shareholder ng kumpanya.

Tuluyan nga kayang mapahamak si Lola Lydia sa kamay ni Carlos? Mailigtas kaya siya ni Gabriel?

Samantala, patuloy naman ang mainit na pagsuporta ng mga manonood sa nalalapit na pagtatapos ng serye, kaya naman patuloy din ang pangunguna nito sa national TV ratings. Nito ngang Lunes (Jan 8), nakakuha ang serye ng national TV rating na 17.3%, o 10.2 na puntos na lamang sa katapat nitong palabas na “The Lolas’ Beautiful Show” (7.1%), ayon sa datos ng Kantar Media.

Namamayagpag din ang serye sa social media sa araw-araw na pagiging trending topic nito sa Twitter at pag-ani ng libo-libong tweets mula sa netizens.

Huwag palampasin ang seryeng magpapatunay na hindi sumusuko ang puso sa pangarap at pag-ibig, ang “Ikaw Lang ang Iibigin,” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

 

Related