Every Saturday after It's Showtime

VIDEOS

Show Logo

Jane Oineza, nagbabalik-telebisyon sa Ipaglaban Mo

ABS-CBN.com April 21, 2017 06:45 PM

Hanggang saan ba dapat ipagkatiwala ang anak sa iba?

Ito ang kasong bibigyan linaw ni Atty. Jopet Sison ngayong Sabado (April 22) sa hit legal drama “Ipaglaban Mo.”

Sundan ang kwento ni Divine (Jane Oineza), isang tapat na kasambahay na handang ibuwis ang buhay para sa kanyang alagang si Troy (Ynigo Delen). Dahil na rin sa tagal nito sa paninilbihan kung kaya’t buo na ang pagtitiwala ng magulang ni Troy sa kanya.

Ngunit isang araw, yayain ng kanilang driver na si Dante (Joem Bascon) ang bata na kumain sa labas. Dala narin ng pangungulit ng alaga, papayag si Divine na sumama sila. Lingid sa kanyang kaalaman ay isang set-up ang mangyayari at dinala sila nito sa isang abandonadong bahay.

Labis na mababahala ang mga magulang ni Troy lalo na at tumawag ang mga kidnapper na nasa kanila sina Troy at Divine. Agad na pagsususpetsahan nila si Divine na may kinalaman sa pangingidnap.

Ano ang kayang gawin ni Divine maproteksyuan lang ang alagang bata? Paano niya malilinaw sa mga amo na wala siyang kinalaman sa krimen?

Makakasama rin sa upcoming episode na ito sina Dominic Ochoa at Ces Quesada.

Huwag palampasin ang “Ipaglaban Mo” episode na “Tiwala” sa ilalim ng direksyon ni Ian Lorenos ngayong Sabado (April 22), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Sa mga hindi makakanood sa Sabado, huwag mag-alala dahil simula sa susunod na linggo mapapanood na ang mga nakaraang episodes ng “Ipaglabalan Mo” sa DZMM Teleradyo (Ch.26) tuwing Miyerkules.

Panoorin muli ang nakaraang episodes ng programa via iwantv.com.ph o skyondemand.com.phpara sa Sky subscribers. Para sa updates, i-follow ang @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, @IpaglabanMoCh2 sa Twitter, o i-like ang sa Facebook.

 

Related