Every Saturday after It's Showtime

VIDEOS

Show Logo

Ella, Sammie, Kelley at Franco, tampok sa Ipaglaban Mo "Groufie"

ABS-CBN.com October 12, 2017 11:19 PM

Bibida si Ella Cruz kasama sina Marco Gallo at Kisses Delavin sa isang napapanahong storya tungkol sa pag-post ng mga litrato sa social media ngayong Sabado (Oct. 14) sa hinirang kamakailan na Best Public Affairs Program sa ALTA Media Icon Awards, ang “Ipaglaban Mo.”

Graduating students na ang magbabarkadang sina Anna (Ella), Triny (Kelley Day), at Mitchie (Sammie Rimando) sa kanilang pinapasukang high school. Iba man ang kani-kanilang ugali, pare-pareho naman silang naghahanap ng atensyon at pagmamahal mula sa kanilang mga magulang.

Isang araw, inaya ni Anna sina Triny at Mitchie na pumunta sa isang pool party. Gusto kasing makalimot ng dalaga dahil sa nalamang relasyon ng kaibigan niyang si Diane (Kisses) at dating kasintahan na si Jerome (Marco). Ngunit bago pa man sila makarating sa venue ay napagpasyahan ni Anna na ipost ang kanilang groufie na tanging underwear lang nila ang suot. Nagpost din ito sa social media ng mga larawan nila habang lasing at nakikipagsaya sa mga nakainumang lalake.

Agad naman nabahala si Diane at sinumbong ito sa kanyang mga guro sa eskwela. Ano ang ginawang hakbang ng eskwelahan? Ano kaya ang nagyari sa grupo nina Anna?

Huwag palampasin ang episode ng “Ipaglaban Mo” na pinamagatang “Groufie” sa ilalim ng direksyon ni Theodore Boborol ngayong Sabado (Oct.14), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) na may replay tuwing Miyerkules sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630.

Para sa updates, i-follow ang @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, @IpaglabanMoCh2 sa Twitter, o i-like ang sa Facebook.

 

Related