MON - FRI 12 NN - 2:30 PM SAT 12:00 - 3:00 PM
Show Logo

SHOW UPDATES

Jovany at Alfred ng Mindanao, pinangalanang unang grand finalists ng “Tawag ng Tanghalan” year 2

ABS-CBNCorp.com August 13,2017 08:35 AM

Pasok na sa grand finals ng “Tawag ng Tanghalan” Year 2 ang radio DJ na si Jovany Satera mula North Cotabato at mangingisdang si Alfred Relatado mula Davao Occidental.

Matapos ang isang linggong pagpapakitang gilas sa kantahan mula Agosto 7 hanggang 12 sa “It’s Showtime,” itinanghal na grand finalists ang dalawang taga-Mindanao matapos nilang makuha ang pinakamataas na pinaghalong hurado scores at madlang people text votes – 95.67% para kay Jovany at 74.05% naman para kay Alfred.

Nagwagi sina Jovany at Alfred ng P150,000. Samantala, nag-uwi naman ng consolation prize na P25,000 ang mga katunggali nilang sina Aila Santos ng Davao City at John Mark Saga ng Dasmarinas, Cavite.

Huwag palampasin ang galing ng pinoy sa kantahan sa pagbabalik ng singing competition na minahal ng masa, ang “Tawag ng Tanghalan,” sa “It’s Showtime” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

 

Related