Nagsama-sama ang bigating Kapamilya stars para ipaabot ang kanilang pagmamahal at pasasalamat sa “Just Love: The ABS-CBN Christmas Special,” na ipinalabas noong Sabado (Dec 16) at Linggo (Dec 17) sa ABS-CBN.
Nagbigay saya ang “It’s Showtime” family na pinangunahan nina Vice Ganda, Anne Curtis, Billy Crawford, Vhong Navarro, Karylle, at Ryan Bang sa kanilang 90s throwback production numbers.