MON - FRI 12 NN - 2:30 PM SAT 12:00 - 3:00 PM
Show Logo

SHOW UPDATES

It’s Showtime Holy Week Special 2017

ABS-CBN.com April 24,2017 02:42 PM

Nakakaantig na mga kwento at aral tungkol sa pagmamahal para sa pamilya at tibay ng pananampalataya ang handog ng hosts ng “It’s Showtime” para sa Holy Week special 2017.

Bumida sina Vhong Navarro at Jhong Hilario bilang half-brothers at anak ng kanilang ama (Joey Marquez) na susubukin ng selos at inggit ang relasyon bilang magkapatid.

Gumanap naman bilang isang guardian angel si Anne Curtis sa Martes na may itinalagang misyon. Maibalik pa kaya niya sa tamang landas si Zach (Enchong Dee) at palakasin ang pananampalataya nito matapos ang isang matinding pagsubok sa pamilya?

Nasama sina Karylle, Billy Crawford, at Amy Perez na gaganap bilang mga magulang na nagsisikap na ipagsabay ang mga responsibilidad sa trabaho at tahanan. Sa kabila ng puspusang pagtatrabaho para sa kinabukasan ng pamilya, gaano nga ba kahalaga ang paglalaan ng oras sa mga anak?

Natunghayan naman ang kwento ng pagmamahal ng tatlong lola at kanilang apo na pinagbidahan ni Vice Ganda. Sa kwentong ito, ibabahagi sa mga manonood ang pagpapahalaga sa mga taong minamahal habang sila ay nabubuhay pa.

2013 | 2014 | 2015 | 2016 | 2017
 

Related