MON - FRI 12 NN - 2:30 PM SAT 12:00 - 3:00 PM
Show Logo

SHOW UPDATES

Anton at Remy, umabante sa grand finals ng “Tawag ng Tanghalan”

ABS-CBN.com November 02,2017 11:22 AM

Opisyal nang grand finalists ang flight attendant na si Anton Antenorcruz at konteserang si Remy Luntayao sa “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime.”

Wagi ang dalawa matapos makuha ang pinakamataas na combined scores mula sa madlang people text votes at hurado scores sa isang linggong semifinals. Nagtala si Anton ng Metro Manila ng 98.7%, samantalang nakakuha naman si Remy ng Visayas ng 68.46%.

Parehong nag-uwi ng tig-P150,000 ang dalawa at tinalo ang semifinalists na sina John Raymundo, Mark Michael Garcia, at Rico Garcia matapos ang isang linggong showdown sa kantahan.

Makakatapat naman nina Anton at Remy sa grand finals sina Jovany Satera at Alfred Relatado ng Mindanao ng Quarter 1.

Huwag palampasin ang galing ng Pinoy sa kantahan dahil patuloy ang mas mainit na laban sa tanghalan sa magaganap na “Tawag ng Tanghalan” Global Week ngayong Quarter 3.

Panoorin ang “Tawag ng Tanghalan,” sa “It’s Showtime” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

 

Related