MON - FRI 12 NN - 2:30 PM SAT 12:00 - 3:00 PM
Show Logo

SHOW UPDATES

Tuko at Sofronio, bagong pares na aabante sa “Tawag ng Tanghalan” grand finals

ABS-CBN.CorpComm February 05,2018 03:57 PM

 

Parehong naging emosyonal sina Tuko Delos Reyes ng Aurora at Sofronio Vasquez ng Misamis Occidental matapos magwagi sa Quarter 3 semifinals ng “Tawag ng Tanghalan” ngayong Sabado (Pebrero 2) sa “It’s Showtime.”

 

Nakakuha ni Tuko ang pinakamataas na combined score mula sa madlang people text votes at hurado scores na 95.85%, samantalang nagkamit naman si Sofronio ng 87.57%.

 

Sila ang bagong pares na pasok sa grand finals ng kumpetisyon na nagwagi ng tig-P150,000, matapos mapagtagumpayan ang isang linggong semifinals kung saan nakatapat nila ang apat pang contenders mula Visayas at Mindanao.

 

Para sa dalawang bagong grand finalists, katuparan ng pangarap ang pagbabahagi ng kanilang talento sa pagkanta matapos nilang tahakin ang ibang propesyon. Information technology graduate si Tuko at dental medicine graduate naman si Sofronio, ngunit parehong nagpe-perform sa gigs at events para makatulong sa pamilya.

 

Makakabanggaan nina Tuko at Sofronio sa grand finals sina Jovany Satera at Alfred Relatado ng Mindanao ng Quarter 1, Anton Antenorcruz at Remy Luntayao ng Quarter 2, at ang global grand finalists na sina Steven Paysu at Makoto Inoue.

 

Panoorin ang “Tawag ng Tanghalan,” sa “It’s Showtime” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

 

Related