MON - FRI 12 NN - 2:30 PM SAT 12:00 - 3:00 PM
Show Logo

SHOW UPDATES

Throwback: It's Showtime Holy Week Special 2013

ABS-CBN.com March 23,2018 09:18 PM



 

Nagbigay-inspirasyon ang buong barkadahan ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime sa espesyal nitong handog na drama specials noong Semana Santa 2013.

 

Mula sa pagpapasaya tuwing tanghalian, sumabak sa aktingan ang It’s Showtime hosts kung saan itinampok ang nakakaantig na kwento ng mga pamilyang sumali sa pa-contest nitong “Bida Kapamilya.”

 

Gumanap si Billy Crawford bilang isang lalaking nangangarap na maging pari sa episode kasama ang co-hosts na sina Kuya Kim Atienza at Jugs Jugueta.

 




Back-to-back ito sa episode nina Vice Ganda at Karylle na gumanap na mag-asawa.

 




Sa episode, sina Anne Curtis at Coleen Garcia ay gumanap bilang magkapatid.

 




Ang episode nina Vhong Navarro, Jhong Hilario at Teddy Corpuz ay tungkol sa isang taong handang ibigay ang lahat para sa babaeng minamahal kahit may mga anak na ito sa unang asawa.

 

 

Related