MON - FRI 12 NN - 2:30 PM SAT 12:00 - 3:00 PM
Show Logo

SHOW UPDATES

Throwback: It's Showtime Holy Week Special 2014

ABS-CBN.com March 23,2018 11:20 PM

Muling sumabak sa acting ang hosts ng numero unong Kapamilya noontime show na It’s Showtime at isinabuhay ang limang kwentong hango sa totoong buhay na nagbigay ng inspirasyon sa madlang people sa kanilang Semana Santa 2014 Special.

Sa Holy Week 2014 special ng programa, natunghayan ang life story ng “Stars on 45” grand champion Haydee Manosca, na ginampanan ni Karylle.

 




Ginampanan naman ni Billy Crawford ang role bilang “Stars on 45” second runner-up na si Charlie Fry.

 




Napanood si Vice Ganda bilang ang “Stars on 45” wildcard contestant na si Reuben Quilantang na ibinahagi kung ano ang pinagdaanan nito bago siya nakatuntong sa It's Showtime stage.

 



Sa kauna-unahang pagkakataon naman ay ginampanan ni Coleen Garcia ang papel ng isang tomboy at isinabuhay ang life story ng “That’s My Tomboy” finalist na si Chucks Ledbetter.

 




Sinundan ito ng nakakaantig na kwento ng Vhong Navarro “Kalokalike” na si Mark Tyler Dela Cruz na ginampanan mismo ni Vhong, na sinabing hindi niya inakalang mahihirapan siyang atakihin ang karakter ng “Kalokalike” niya.

 



Tampok din sa Holy Week special sina Jhong Hilario, Kuya Kim Atienza, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Ryan Bang, at Eruption, at ilang mga batikang aktor at aktres sa industriya bilang special guests sa natatanging roles umantig sa puso ng mga manonood.

 

Related