MON - FRI 12 NN - 2:30 PM SAT 12:00 - 3:00 PM
Show Logo

SHOW UPDATES

It’s Showtime Holy Week Special 2016

ABS-CBN.com March 23,2018 11:47 PM

Para sa kanilang ika-apat na taon ng pagpapalabas ng Holy Week Specials, ang It's Showtime family ay muling sumabak sa drama sa kanilang pagasabuhay ng limang nakakaantig na kuwento tungkol sa pag-ibig, pamilya, magkapatid at magkakaibigan.

 



 

Tampok sina Vhong Navarro at Anne Curtis na kanilang unang magtatambal sa Holy Week Special na pinamagatang "Love Spell." Kasama sa romatic-comedy episode na ito sina Jugs, Teddy at Fourth Solomon.

 



 

Gumanap naman na magkapatid sina Jhong Hilario at Jairus Aquino sa “Brod” episode na may temang kapatiran. Kasama sa episode na ito sina Billy Crawford at Ryan Bang.

 



 

Sumabak naman sa pagpapaiyak si Vice Ganda na gumanap bilang Gelo sa "The Homecoming" episode na tungkol sa kahalagahan ng pamilya. Ginampanan naman ni Amy Perez ang role ng pasaway na Ate ni Gelo na si Rina. Kasama ang Kapamilya stars na sina Angeline Quinto, Leo Martinez at Susan Africa sa episode na ito.

 



Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinakita ng Hashtags ang galing sa pag-arte sa episode na "#FTW" kasama sina Kim Atieza at Joey Marquez.

 



Kwento tungkol sa kung paano nalagpasan ng mga magkakaibigan ang mga pagsubok ang tema ang “The Wedding” episode tampok sina Karylle at Mariel Rodriguez-Padilla kasama si Ria Atayde.

 

 

Related