MON - FRI 12 NN - 2:30 PM SAT 12:00 - 3:00 PM

VIDEOS

Show Logo

Hashtag Wilbert, masayang nakita ang kanyang childhood crush sa It’s Showtime

ABS-CBN.com June 13, 2018 01:39 PM

 

Tila na-starstruck si Hashtag Wilbert kay Donnalyn Bartolome nang mag-guest ang huli sa It’s Showtime nitong Miyerkoles (June 13). Pagkatapos ng production number, sinabi ni Vice Ganda na may mensahe raw si Wilbert kay Donnalyn. Sinabi ni Wilbert na nag-message raw siya kay Donnalyn ng “Merry Christmas” noong December ng nakaraan taon. Inamin ni Donnalyn na hindi niya raw ito nakita.

Bumawi naman si Donnalyn at binati ng “Belated Merry Christmas” si Wilbert. Biglang sumingit si Jhong Hilario at sinabing tigilan na ni Vice ang pang-uudyok, dahil nagseselos daw si Krizia na miyembro naman ng Girl Trends. Ngunit hindi pa rin nagpatinag si Vice at tinuloy ang pang-uudyok kay Wilbert na sabihin na ang mensahe kay Donnalyn sa personal. “Hi, Donnalyn! Merry Christmas sa’yo,” pagbati ni Wilbert.

Sa huli ay inamin din nito na si Donnalyn ang kanyang childhood crush. “Thank you, nice to meet you” na lamang ang naisagot ni Donnalyn nang malaman ito. Pero inimbitahan niya si Wilbert na um-attend sa red carpet premiere night ng pelikula nila ni Ella Cruz na “Cry No Fear” sa June 18.
 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

 

Related