MON - FRI 12 NN - 2:30 PM SAT 12:00 - 3:00 PM

VIDEOS

Show Logo

Vice Ganda, napatalon sa tuwa dahil kay President Ganda

ABS-CBN.com June 13, 2018 04:31 PM


Tuwang-tuwa si Vice Ganda sa isang contestant ng Miss Q and A sa It’s Showtime, at nagkataon pa na katukayo niya ito, siya ay walang iba kundi si President Ganda.

Sa Tumpak Ganern, naging tanong kung ano ang kulay ng snow na sinagot ni Candidate Number 1 ng puti. Pero umiral ang pagiging makulit ni Vice at sinabing white raw dapat ang sagot kaya pinag-iisipan pa ng staff kung tatanggapin ang puti. Sa gitna ng kulitan ay tinanong ni Vice si President Ganda kung dapat bang i-consider, pero ang sagot ni President ay “napakalayo po” at tanging ang letter “I” lang ang pinagkapareha ng dalawang salita. Nagpaliwanag si Candidate Number 1 sa kanyang sagot, ngunit ang tanging sinabi ni President Ganda dito ay “it is not convincing.”

Tuwang-tuwa si Vice sa sagot ni President, at hindi niya napigilang tumalon-talon sa katatawa. Nang sinabihan ni Vice si President na kumbinsihin si Candidate Number 1 na mali ang kanyang sagot. Ayon kay President Ganda, “as a common people of the Philippines, with my royalty and dignity I will not accept it.” Dahil dito, sinabi ni Vice kay President na “ikaw yung pinakabrainy kong friend, you’re my favorite friend.” Sa huli, kinonsider din ang sagot ni Candidate Number 1 na puti.
 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related