MON - FRI 12 NN - 2:30 PM SAT 12:00 - 3:00 PM

VIDEOS

Show Logo

Miss Q & A: President Ganda, binilangan si Vice Ganda at Anne!

ABS-CBN.com June 13, 2018 04:33 PM


Sa Tumpak Ganern ng Miss Q and A, tila gustong gawing mas nakakatawa ni Vice Ganda ang portion at sinabi kay Anne Curtis na pumili sila ng tanong bago ito ibato sa mga kandidata. Pero medyo nahirapang pumili ang dalawa at ilang segundong tumahimik ang studio, kaya biglang bumanat ang contestant na si President Ganda ng “timer starts now” at nagsimulang mag-count down ng five seconds at may buzzer pa sa dulo.

Tuwang-tuwa ang madlang people sa ginawang ito ni President Ganda. Kaya naman sinabi ni Vice kay President na “ikaw na talaga ang favorite kong friend.” Humingi naman ng dispensa si Anne at sinabing “we just need a little bit more time, hope you don’t mind.” Ayos lang daw kay President, pero nang tanungin siya ni Vice ng “how much more time are you willing to give us now?,” sumagot si President ng “five seconds only, and timer starts now” kaya biglang nataranta sina Vice na makapili agad ng tanong. Nang matapos na ang countdown na hindi pa nakakapili ang  dalawa, sinabihan ni President ang kanyang kapwa contestant ng “let’s choose the question.” Sa sobrang tuwa ng mga hosts at madlang people kay President Ganda ay sinabayan nila ito sa kanyang favorite dance move.
 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related