MON - FRI 12 NN - 2:30 PM SAT 12:00 - 3:00 PM

VIDEOS

Show Logo

President Ganda, hinarap ang 6-time reigning queen na si Lars Pacheco

ABS-CBN.com June 13, 2018 04:20 PM


Sa Miss Q and A segment ng It’s Showtime nitong Miyerkoles, June 13, nagharap sa final round na Beklamation ang bagong contender na si President Ganda Curtis-Smith at ang six-time reigning Miss Q and A Lars Pacheco.

Bago magsimula ang pagsagot, ikinuwento ni President Ganda na hilig din niya ang pagkanta at sobrang idol niya ang TNT 2 Grand finalist na si Stephen Paysu. Paborito niya namang kanta ang“Lately” ni Stevie Wonder.

Nang magsimula na ang tanungan, sinagot ng dalawa ang tanong na “anong bagay na itinapon mo ang pinanghihinayangan mo ngayon?” Naging sagot ni President Ganda ang “salapi na iginugol sa akin ng aking ama.” Ikinuwento niya na nagbulakbol siya sa huling semester niya noon sa CEU kung saan kumuha siya ng Tourism. Nagkaroon siya ng realization na sayang ang salaping kanyang “itinapon,”  ngunit ito ngayon ang ginagawa niyang inspirasyon para bumangon at bumawi.

Sa sagot naman ni Lars Pacheco, ginawa niyang punto ang “diploma” na hindi niya nakamit dahil hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Pero ayon sa kanya, dahil dito ay natuto siyang kumayod sa kanyang sarili, at naging desidido na tumulong sa pamilya.
 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related