MON - FRI 12 NN - 2:30 PM SAT 12:00 - 3:00 PM

VIDEOS

Show Logo

Direk Bobet, binantayan si Vice Ganda habang nagjo-joke sa PUROKatatawanan!

ABS-CBN.com June 14, 2018 01:31 PM

 

Sa PUROKatatawanan segment ng It’s Showtime, tila pinahaba ni Vice Ganda ang oras upang mas mapag-isipan ng mga kagrupo niya ang sagot sa tanong ni Karylle sa kanya na “Ano’ng member ng animal kingdom ang pinaka-clingy?” 


Ilang beses nito pinaulit-ulit at pinaikut-ikot ang tanong ni Karylle, na sinamahan pa niya ng pagdepensa sa kanyang sarili. Habang dumedepensa si Vice ay napatawa na lamang si Karylle sa ginagawa ng mga katunggali dahil wala raw maisip na sagot ang Team Boys. 


Nagpanggap din si Vice na kunwari ay naiingayan sa mga kagrupo at panay ang tingin nito sa likod. Ngunit pinaalala naman ni Amy Perez sa Team Boys na “no coaching” dahil nanonood daw si Direk Bobet Vidanes at binabantayan sila. Pasimpleng lumapit si Vhong Navarro kay Vice at ibinulong ang sagot, pero muling pinaalalahanan ni Tiyang Amy ang mga ito na bawal ang coaching. 


Nang maisip na ni Vice ang tamang sagot, kaagad nitong sinabi na ibon ang hayop na pinaka-clingy, dahil ito raw ay “sweet, sweet sweet sweet,” na katunog ng huni ng ibon. 
Dahil sa tuwa ay napa-twerk si Vice na animo’y tinutukso si Karylle. Para kay Karylle, “I like your joke also.” Pero hindi siya nagpatalo at nilabanan din ng twerk si Vice. 


Ayon kay Karylle, ang tamang sagot daw ay koala, “kasi koala ka, koala rin ako.” Pero idinipensa ni Vice na mas cute pa rin ang ibon na bumubulong sa’yo tuwing umaga ng “sweet sweet sweet sweet.” 


Para malaman kung havey o wale yang joke, tinawag ang Tambays para magdesisyon. Sa huli ay nanalo pa rin ang Team Girls. 

 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

 

Related