MON - FRI 12 NN - 2:30 PM SAT 12:00 - 3:00 PM

VIDEOS

Show Logo

Kim Chiu, hinarap si RK sa PUROKatatawanan!

ABS-CBN.com June 14, 2018 01:35 PM

 

Nakisali sina Kim Chiu at RK Bagatsing sa PUROKatatawanan segment ng It’s Showtime nitong Huwebes, June 14. 


Galing sa magkatunggaling grupo, nagharap sina Kim at RK upang magtagisan ng galing sa pagjo-joke. Ibinuking ni Vice Ganda na galing sa writer at komedyante na si Alex Calleja ang baong joke ni RK, na inamin din mismo ng aktor. 


Nang tanungin ni RK kung “ano ang bansa ng mga konyo (cono)?” Kaagad namang bumack-up ang mga kagrupo ni Kim at ibinulong ang tamang sagot. 


Nauna mang sabihin ni Kim ang sagot na Paris, nilinaw naman nito na ang sagot pala niya ay France, “I mean Paris, France. Kasi walang ka-pares.” 


Para kay RK, ang bansa ng mga konyo ay “Yemen, kasi yeah men!” Dahil sa joke ay tila na-stock up si Kim sa kanyang pagkakatayo. Dahil walang nakapagbigay ng nakaaaliw na sagot, ‘waley’ ang parehas na husga sa magkalabang grupo. 


 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

 

Related