MON - FRI 12 NN - 2:30 PM SAT 12:00 - 3:00 PM

VIDEOS

Show Logo

Anne, binigyan ng 2nd chance si Hashtag Mccoy sa PUROKatatawanan!

ABS-CBN.com June 14, 2018 01:41 PM

 

Naudyukan ng kanyang mga kagrupo si Hashtag Mccoy de Leon para maging representative mula sa Team Boys. Sa kanyang pagsabak sa hamon ng matinding pagjo-joke, pinili nitong maging katunggali si Anne Curtis. 


Agad naman nitong tinanong si Anne ng “Alam mo bang pwede kang maging AN-CHOR?” Pagkabitiw ng joke ay nagtawanan ang Team Boys at Team Girls, lalong-lalo na si Anne. Natatawa man ay ini-reveal ni Anne ang sagot niya sa tanong ni Mccoy. Ito raw ay dahil siya si “Anchor Tis.” 


Tila nagtaka pa si Mccoy kung bakit alam ito ni Anne. Sabi naman ni Vice Ganda ay sagot ang nasabi ni Mccoy at hindi ang tanong, kaya nahulaan agad ito ni Anne. Dahil epic fail, nag-request si Mccoy ng second chance para mapalitan nito ang kanyang tanong. Nagpanggap ang lahat na kunwari ay walang nangyari at binigyan nilang lahat si Mccoy ng pangalawang pagkakataon. Ngunit biniro ni Vice si Mccoy at sinabing mag-vitamins ito at matulog para tumangkad. 


Sa pangalawang pagkakataon, binitiwan ni Mccoy ang inihanda niyang joke. Tanong niya kay Anne, “Ano’ng kalye ang nagbibilang?” Tila nahirapan si Anne na sagutin ang tanong at sinabi na lang nito na “ang kalye na nagbibilang ay Juan de Luna street.” Tanong ni Vice, sino raw si Juan de Luna. Dagdag pa ni Vice, marahil ang tinutukoy daw ni Anne ay si Juan Luna. Giit ni Anne ay inimbento lamang niya ito. Pero para kay Mccoy, ang tamang sagot ay “Edsa dalawa, tatlo, apat.”
 

 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

 

Related