MON - FRI 12 NN - 2:30 PM SAT 12:00 - 3:00 PM

VIDEOS

Show Logo

Vice to Jhong: “Hindi ka bagay dito!”

ABS-CBN.com July 12, 2018 02:07 PM


Nitong July 12 sa It’s Showtime, kausap nina Vice Ganda, Vhong Navarro at Jhong Hilario ang isa sa mga naging contestants ng segment na Hypebest. 

Naitanong ni Jhong kung sino sa grupo ang pinaka-chick boy. Nang ituro ng mga contestants kung sino, sumagot si Vice ng “Eto? Naku hindi na talaga ako naniniwala sa inyo ha!” 

Nagpatuloy ang tanungan at kulitan sa pagitan ng contestants at ng mga hosts, hanggang umabot ang topic sa pangalan ng grupo na “Innosentes.” Bumanat si Jhong at sinabing “Dapat nilagyan n’yo ng use sa umpisa, use innosentes.” Nakornihan naman si Vice sa joke at sinabing “Hindi ka na babagay dito, tingnan mo sa aming lahat, mula kay Vhong ikaw lang naiiba hitsura.” Naka casual attire ang lahat liban kay Jhong na naka-smart casual. Dagdag pa ni Vice, “Mukha kang manager ng mga grupo dito.”

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related