MONDAYS TO FRIDAYS AFTER FPJ'S ANG PROBINSYANO
Show Logo

SHOW UPDATES

Jacintha, pinuruhan sina Tristan at Sandrino sa ‘gabi ng La Luna Sangre’

ABS-CBN.com January 11,2018 08:26 AM

 

Naganap na nga ang pinakahihintay na paghaharap-harap nina Jacintha (Angel Locsin), Sandrino (Richard Gutierrez), Malia (Kathryn Bernardo), at Tristan (Daniel Padilla) noong Martes (Jan 9) sa hit-action serye ng ABS-CBN na “La Luna Sangre.”

Talaga namang tinutukan ng sambayanan ang tinaguriang ‘gabi ng La Luna Sangre’ matapos itong pumalo sa national TV rating na 31.7% kumpara sa kalaban na may 17.3%, base sa Kantar Media.

Makapigil hininga ang bakbakan sa pagitan nina Jacintha at Sandrino ngunit pinakatumodo na ang tensyon nang kagatin ni Sandrino si Tristan.

Laking gulat ni Jacintha sa nasaksihan at bagamat may pag-aalangan ay pinili niya pa rin ang kapakanan ang sangkatauhan at tuluyang binaon sa puso ni Tristan ang pangil ng lobo. Hindi pa natapos diyan ang lahat dahill maging si Sandrino ay napuruhan din ni Jacintha gamit ang parehong armas.

Samantala, mangiyak-ngiyak naman si Malia nang yakapin ang wala ng buhay na katawan ni Tristan.

Ano ang kahahantungan ng kanilang kwento? Pormal na nga bang nawakasan ang panganib na nakita sa propesiya? Tuluyan na bang maglalaho si Sandrino? Ano na kaya ang mangyayari kay Tristan?

Huwag palampasin ang mas pinabagsik na “La Luna Sangre” pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa nakaraang episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @starcreatives sa Facebook, Twitter, at Instagram.

 

Related