MONDAYS TO FRIDAYS AFTER FPJ'S ANG PROBINSYANO
Show Logo

SHOW UPDATES

Paghaharap nina Tristan at Malia, kinasabikan ng fans

ABS-CBN.com January 27,2018 01:43 PM


KathNiel, di matinag ng ‘karibal’
 

Inilantad ni Tristan ang kanyang sarili kay Malia noong Miyerkules (Jan 24) sa hit action serye na “La Luna Sangre,” matapos ang inakalang pagkamatay niya sa mga kamay ni Jacintha.
 

Ayon sa Kantar Media, mas pinanood ng mas maraming viewers nationwide ang madamdamin at maaksyon paghaharap ng dalawa  kaya naman pumalo ang episode sa national TV rating na 30% kumpara sa 17.8% lang kalabang “Kambal, Karibal.”


Marami ang napa-react sa naiiba at tila wala ng pusong si Tristan na hindi natinag sa yakap at pagsusumamo ni Malia. Umigting pa lalo ang tensyon sa pagitan ng dalawa nang saktan nito ang dating iniibig. Bagama’t iniwan niya ang Bagong Itinakda nang buhay, pinagbantaan naman niya ito sa paparating na digmaan.


Sa kabilang banda naman, inilabas ni Soraya (Denise Laurel) sa konseho ng La Liga Unida ang pruweba na nagpapatunay ng hindi umano’y pagkawala sa sarili ni Malia. Base sa video, nakita na kinakausap ni Malia ang kanyang sarili. Agad naman itong dinepensahan ni Malia at sinabing totoong naka-engkwentro na nga niya si Tristan.


Maniwala kaya sa kanya ang konseho o tuluyan na kaya siyang patalsikin? Sa kabilang banda, paano rin niya tatanggapin ang sinabi ni Tristan? Ituturing na kaya niya ito bilang kalaban o pipilitin hukayin ang kabutihang nabalot lamang ng kasamaan ni Sandrino (Richard Gutierrez)?


Huwag palampasin ang mas pinabagsik na “La Luna Sangre” pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa nakaraang episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @starcreatives sa Facebook, Twitter, at Instagram.

 

Related