Every Saturday after The Voice Teens

PHOTOS

Show Logo

PHOTOS: Khalil Ramos, tampok sa istorya ng buhay ng Tawag Ng Tanghalan Grand Winner na si Noven Belleza sa MMK

ABS-CBN.com April 17, 2017 03:47 PM
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title

Mula sa pagiging magtutubo hanggang sa tanghaling grand winner ng “Tawag ng Tanghalan,” muling babalikan ni Noven Belleza, sa pagganap ni Khalil Ramos, ang kanyang buhay at kung ano ang mga hamong una niyang hinarap bago pa man siya tumapak sa tanghalan ngayong Sabado (April 22) sa “MMK.”.

Lumaki si Noven (Khalil) sa pamilya ng mga kontesero. Sa kanyang murang edad, nahilig siyang sumali sa mga singing contest. Mula sa simula, labis ang suportang kanyang natanggap sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang tatay na si Rey (Nyoy Volante). Malakas kasi ang paniniwala ni Rey na maiaahon ni Noven ang kanilang buhay kapag naging tanyag na singer na ito. Bilang kontesero din, puspusan niyang tinuruan si Noven ng kanyang mga styles at hilig na genre.

Ngunit sa pagdaan ng panahon, unti-unting nagbago ang hilig sa musika ni Noven na magiging dahilan ng hindi nila pagkakaintindihan ng kanyang ama. Lalo pang lumalala ang kanilang hidwaan nang kwestyunin ni Noven ang pagiging isang ama nito sa kanila.
Sa hirap ng buhay, napilitan siyang tumigil sa pag-aaral at piniling tumulong sa tubuhan kung saan nagtratrabaho ang kanyang ama.

Paano magkakaayos ang mag-ama? Paano mahihimok si Noven na muling kumanta? Sa pagsali niya sa “Tawag ng Tanghalan,” makuha pa rin kaya siyang suportahan ng ama?

Makakasama din sa upcoming episode sina Tess Antonio, Jane  de Leon, Isaac Tangonan, at Noel Comia Jr.  Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval at panulat ni Benson Logronio at Arah Badayos. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou N. Santos.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nitosaiwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

 

Related