Every Saturday after The Voice Teens

PHOTOS

Show Logo

On the set of MMK: Abangan sina Alex at Hero ngayong Sabado sa isang kwento ng matibay na pag-iibigan

ABS-CBN.com December 05, 2017 11:13 AM
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title

Magtatambal sa unang pagkakataon sina Alex Gonzaga at Hero Angeles bilang magkasintahang susubukin ng isang nakamamatay na sakit ngayong Sabado (Dec 9) sa “MMK.”

Natamaan man ng sakit sa bato at maliit ang tsansang mabuhay, ipinagsawalang bahala ni Riza (Alex) ang kanyang karamdaman at ipinagpatuloy pa rin ang kanyang buhay nang puno ng pag-asa.

Dahil sa positibong pananaw sa buhay, mababago ni Riza ang buhay ni Joel (Hero), isang mahiyain ngunit masipag na breadwinner ng pamilya. Dahil kay Riza, unti-unting natuto si Joel na pahalagahan ang sarili, at higit sa lahat — buksan ang puso para umibig.

Sa paglipas ng panahon, hindi nila inasahang lalala pa ang sakit ni Riza at kakailanganin pa ng donor para mabuhay. Sa sobrang pagmamahal sa kasintahan, nagprisinta si Joel na maging donor para kay Riza.

Pumayag kaya si Riza na ilagay sa peligro ang buhay ng minamahal para lang mabuhay siya?

Makakasama rin sa upcoming episode sina Allan Paule, Isay Alvarez, Simon Ibarra, Ynez Veneracion, Zeppi Borromeo, Mikylla Ramirez, Nikki Gonzales, David Chua, at Lao Rodriguez. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Theodore Boborol at panulat ni Joan Habana.

Photos courtesy of Direk Ted Boborol

 

Related