Every Saturday after Your Face Sounds Familiar Kids

PHOTOS

Show Logo

Angel at Dimples, bibida sa espesyal na two-part episode ng MMK

ABS-CBN.com May 17, 2017 04:54 PM
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title

Dalawang ina, isang anak, at dalawang magkaibang kwento ng pag-aaruga at paglaban para sa karapatan bilang ina.

Iyan ang espesyal na handog ng “MMK” sa two-part episode na pagbibidahan nina Dimples Romana at Angel Locsin simula ngayong Sabado (May 20).

Sa unang bahagi nito, saksihan muna ang kwento sa pananaw ni Teresa (Dimples), isang babaeng walang ibang hangad kung hindi magkaroon ng isang masaya at buong pamilya. Kahit salat sa buhay, pinilit nila ng kanyang asawang si Alfredo (Dominic Ochoa) na buhayin at busugin ng pagmamahal ang kanilang mga anak.

Ngunit isang araw, biglang naglaho ang kanilang bunsong anak na si Topher at umano’y naging biktima ng pandurukot. Agad na hahanapin ni Teresa ang anak. Sinuyod niya ang lahat ng kalsada sa pag-asang makita ang anak subalit sa kasamaang palad ay wala siyang nakita ni ano mang bakas nito.

Lingid sa kaalaman nilang mag-asawa na napunta na ang kanilang supling sa babaeng nagngangalang Rocma (Angel) at dinala ito sa kanyang probinsya sa Lanao.

Magkasama pa kaya muli ang mag-ina? Hanggang kailan hahanapin ni Teresa ang nawawalang anak? Bakit nagawang kunin ni Rocma si Topher? Ano kaya ang bersyon ni Rocma sa nangyari?

Makakasama din sa upcoming episode sina Iñigo Delen, Kylie Alcantara, Tanya Gomez, Jennifer Mendoza, Kristofer King, Mara Lopez, Lance Lucido, at Negi. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval at panulat nina Benson Logronio at Arah Badayos. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou N. Santos.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

 

Related