MONDAY TO FRIDAY AFTER UMAGANG KAY GANDA
Show Logo

SHOW UPDATES

Karla Estrada is now everyone’s online Queen Mother

ABS-CBN.com May 28,2018 10:32 PM

 

Isang masayang family day ang pinagsaluhan ng 100 na pamilya sa pangunguna nina Karla Estrada at Melai Cantiveros noong Sabado (May 26) sa ginanap na “Magandang Buhay Fam Day” sa Rave Park sa Pasig bilang bahagi pa rin ng ikalawang taong pagdiriwang ng hit morning talk show.

 

Nagsimula ang kaganapan sa pa-Zumba na nilahukan nina Kisses Delavin at Isabela Vinzon kasama ang kanilang popshies at momshies. Sinundan ito ng family run at parlor games na sinamahan naman nina DJ Jhai Ho at Alora Sasam bilang hosts.

 

Hindi pa nagtapos diyan ang mga sorpresa dahil namigay din sila ng t-shirts at nagpa-raffle ng O Shopping items at ABS-CBN TV plus boxes.

 

Sino pa ang nakisaya sa fam day at sino kaya ang mapalad na nagwagi ng medalya sa family run?

 

Sa loob ng dalawang taon ay patuloy na nagbabahagi ng good vibes at magagandang aral ang “Magandang Buhay” sa mga manonood. Hindi lang ito nagbibigay aliw, nagbibigay din ito ng mahahalang aral o pulot for the day tulad ng pagiging masipag, pagpupursige sa buhay, pagiging positibo, at pagmamahal sa pamilya.

 

Panoorin ang buong kaganapan sa episode ng “Magandang Buhay” ngayong Miyerkules (Mayo 30),” 8 AM sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167).

 

Related