MONDAY TO FRIDAY AFTER UMAGANG KAY GANDA
Show Logo

SHOW UPDATES

"Magandang Buhay," nagpa-house and lot sa dalawang maswerteng momshies

ABS-CBN.com June 13,2018 01:42 PM

 

Dalawang buhay ang mas gaganda pa dahil sa bagong bahay na handog sa kanila ng “Magandang Buhay” at ng Bria Homes.


Wagi nga ng bagong house and lot ang momshies na sina Cely Sanchez at Francisca Tinaytina sa “Magandang Buhay Magandang Bahay” promo at mapalad na napilli ng programa bilang bahagi ng ikalawang taong pagdiriwang nito.


Sa 4,000 na nagpadala ng kanilang entry, isa ang kwento ni momshie Cely sa napili dahil sa nakakabilib nitong sakripisyo para sa pamilya.
 

Simula kasi nang lumuwas ng Maynila noong siya ay 17 taong gulang pa lang ay nangungupahan na si Cely. Nakabuo na siya ng pamilya at nag-OFW ngunit mailap pa rin ang pangarap niyang magkabahay dahil lahat ng kita ay napupunta para matustusan ang pag-aaral ng kanyang mga anak.
 

Matapos ang mahigit 40 taon, sa wakas ay hindi na kailangang mangupahan ni Cely dahil may sarlii na siyang uuwiang bahay para sa kanya at sa kanyang mga anak.
 

Mas malalim naman ang kahulugan ng pagkakaroon ng sariling bahay para kay momshie Francisca dahil maghuhudyat ito ng panibagong simula sa kanya. Noong 2013, nawalan ng anak si Francisca at matapos ang tatlong taon, pumanaw naman ang kanyang asawa sa sakit na cancer.


Bagama't puno ng masayang alaala ang kanilang tinitirahang bahay sa Dumaguete ay aminado ang momshie na nahihirapan siyang mag-move on habang naninirahan dito. Dahil sa bagong Bria Home na kanyang natanggap, inaasahang makakapagsimula na uli siya at ang kanyang dalawang anak.
 

Bukod sa pamimigay ng house and lot, ipinagdiwang din ng “Magandang Buhay” ang kanilang ikalawang taong selebrasyon sa espesyal na adventures sa Bohol at Cebu at sa family day na isinagawa sa Rave Park sa Pasig.


Patuloy na manood ng “Magandang Buhay,” Lunes hanggang Biyernes, 8 AM sa ABS-CBN.

 

Related