SATURDAY AFTER HOME SWEETIE HOME | SUNDAY AFTER WANSAPANATAYM

PHOTOS

Show Logo

10 reasons to watch Pilipinas Got Talent: The Greatest Showdown

ABS-CBN.com April 28, 2018 03:49 PM
Album Title

1. Lupit sa sayawan na hindi nakakalimot sa pinanggalingan mula sa Nocturnal Dance Company

Album Title

2. ‘Dahon dahong’ paglabas ni Orville Tonido ng kanyang samu’t saring talento

Album Title

3. Patuloy na pag-akyat pataas ng palabang ina na si Kristel De Catalina

Album Title

4. Xtreme na hatawan handog ng Extreme Dancers

Album Title

5. Kakisigang pangmalakasan hatid ng Bardilleranz

Album Title

6. Cuteness overload mula sa DWC AEON Flex

Album Title

7. Katatawanan at trip na di malilimutan handog ni Joven Olvido

Album Title

8. Pagparada ng para-dance sport act nina Julius and Rhea

Album Title

9. Swak at swabeng tricks sa bilyaran ni Jonacris Bandillo

Album Title

10. Makapigil hiningang paggiling ng magigiting na CEBECO II Blue Knights

 

Mangyayari na ngayong gabi ang inaabagang ‘greatest showdown’ ng mga talento sa world class talent reality show na “Pilipinas Got Talent” na gaganapin live sa San Fernando, Pampanga.

 

Sampung mahuhusay na acts nga ang nakapasok sa matinding round ng eliminations at ngayong gabi ay magpapakitang gilas sa huling pagkakataon sa PGT stage para mapatunayan na ang kanilang galing ay pang-P2 milyong piso.

 

Sampung grand finalists katumbas ay sampung dahilan din kung bakit dapat manood at pakatutukan ang “Pilipinas Got Talent: The Greatest Showdown.” Ano nga ba ang mga dahilang ito?

 

1. Lupit sa sayawan na hindi nakakalimot sa pinanggalingan mula sa Nocturnal Dance Company

Muling magpapasiklab ang Golden Buzzer acts ni judge Robin Padilla na Nocturnal Dance Company pagdating sa sayawan. Naging trademark na ng grupo ang pagpasok ng musika at choreography na tunay na Pilipino. Suot ang kanilang mga salakot, madakot kaya nila ang P2 milyong jackpot?

 

2. ‘Dahon dahong’ paglabas ni Orville Tonido ng kanyang samu’t saring talento

‘Shaba’ ang dahilan bat kayo napatawa sa semis? Puwes, isang pasabog na naman ang inihahanda ni Orville Tonido sa kanyang act. ‘Dahon Dahon’ niya tayong ginulat sa mga bagay na bagay na kanyang hinuhugot mula sa kanyang gown. Mahugot nya kaya ang kampeyonato this time around?

 

3. Patuloy na pag-akyat pataas ng palabang ina na si Kristel De Catalina

PInaghalong husay at kirot sa puso ang naging edge ng pinakitang acts ng Golden Buzzer ni judge Vice Ganda at single mom na si Kristel de Catalina. Maganda niyang naisasalaysay ang madamdaming niyang kwento habang lumalambitin at umakyat baba sa isang spiral pole. Ngayong grand finals, manatili na kaya siyang nasa taas bilang ika-anim na PGT grand winner?

 

4. Xtreme na hatawan handog ng Extreme Dancers

Auditions pa lang ay dinala na tayo to the xtreme ng Xtreme Dancers. Hindi lang sila magaling sa tumblingan, may pusong Pinoy din na palaban at ipinaparamdam sa kanilang performance. Can they they take the judges and the viewers to the xtreme enough for them to win the jackpot?

 

5. Kakisigang pangmalakasan hatid ng Bardilleranz

Sa kanilang tikas at lakas, agad nilang nakuha ang loob ng manonood. Ngunit hindi lang yumminess ang handog ng boys ng Bardilleranz kung hindi disiplina at athleticism din kaya naman si judge Freddie “FMG” Garcia ay pinindot ang golden buzzer sa kanila. Kasing laki din ba ng kanilang muscles ang kanilang tsansa magwagi sa Linggo?

 

6. Cuteness overload mula sa DWC AEON Flex

Talaga namang mapapangiti ka sa kanilang ka-cutean at mapapanganga ka sa oras na sila  ay magbend ng kanilang mga katawan. Auditions pa lang ay kinakitaan na nina host Billy Crawford at Toni Gonzaga ng world class na galing ang DWC Aeon Flex kaya naman agad silang pumasok sa semis bilang kanilang Golden Buzzer act. From kaptibahay to best friends, e maging kapwa kiddie millionaires din kaya sila sa pagtatapos ng kumpetisyon?

 

7. Katatawanan at trip na di malilimutan handog ni Joven Olvido

Kinuwestiyon man ng ilan, patuloy pa rin na lumalaban ang tricycle driver na si Joven Olvido. Isa sa pinakapinanood sa YouTube, handa si Joven patunayan na pang-2 milyong piso ang kanyang ipapakitang act. Masakyan kaya ng publiko at ng judges ang kanyang

 

8. Pagparada ng para-dance sport act nina Julius and Rhea

Unang napukaw nina Julius at Rhea ang puso ni judges Angel Locsin kaya sila ang napili nitong Golden Buzzer Act niya. Nagsilbing inspirasyon sila sa marami lalo na si Julius na sa kabila ng kapansanan ay naipapamalas pa rin ang talento bilang isang napakahusay na dancer. Makuha kaya nila ang sambayanan sa kanilang handang para-dance sport performance?

 

9. Swak at swabeng tricks sa bilyaran ni Jonacris Bandillo

Hindi man pangkaraniwang talent na nakikita pero tiyak na napabilib ni Jonacris Bandillo ang publiko sa kanyang billiard tricks. Gamit ang talas ng isip at precision, nagagawa nga ni Jonacris na masapul ang bola at maipasok sa tamang pockets. Masapul niya rin kaya ang P2 milyon?

 

10. Makapigil hiningang paggiling ng magigiting na CEBECO II Blue Knights

Kasing tayog ng kanilang mga pangarap ang mga posteng kaya nilang akyatin at tayuan habang sumasayaw sa mga patok na musika ngayon. Isa sa mga act na first time ngayong season, ano pa kayang pasabog ang handang ibigay ng Cebeco II Blue Knights?

 

Sino kaya ang tatanghaling ika-anim na “Pilipinas Got Talent” grand winner? Huwag palalampasin ang “Pilipinas Got Talent: The Greatest Showdown” ngayong Sabado (Abril 28) at Linggo (Abril 29), 7:30 PM sa ABS-CBN.

 

Related