Weekdays at 11:30 AM
Show Logo

SHOW UPDATES

Martin at Mona, pinagtagpo ng tadhana sa “Sana Dalawa Ang Puso”

ABS-CBN.Corp.Comm May 22,2018 04:55 PM


Dalawang magkaibang laban ng pag-ibig ang nagpapainit ng umaga sa pagpapatuloy ng hit morning serye na “Sana Dalawa ang Puso.”


Determinado na nga sina Lisa (Jodi Sta. Maria) at Leo (Robin Padilla) na panindigan ang kanilang pagmamahalan. Kahit pa itakwil siya ng ama, mas sinunod ni Lisa ang pintig ng kanyang puso at sumama na ng tuluyan kay Leo kapalit ang kayamanan at karangyaan nakasanayan niya.


Subalit hindi naman titigil si Juancho (Christopher de Leon) na sirain sila. Kayanin kaya nila ang mga pagsubok na darating sa kanilang relasyon?


Samantala, pagmo-move on naman ang inaatupag nina Mona at Martin (Richard Yap). Dala ng nangyari, napalitan ang palangiti at mabait na Martin ng isang lalaking seryoso at malamig ang pakikitungo sa kanyang mga empleyado.


Sa kabila nito, tuloy ang trabaho at kinailangan niyang kumbinsihin si Mrs Chavez (Pilita Corales) na nagmamay-ari ng Tagpuan. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil sa kanyang pagdating ay nakasalubong niya si Mona na kasalukuyang nagtratrabaho sa naturang resort.


Matuloy pa kaya ang plano nilang pagmomove-on?


Huwag palampasin ang “Sana Dalawa ang Puso” bago ang “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa nakaraang episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

 

 

Related