Weekdays at 11:30 AM

VIDEOS

Show Logo

Tinay, hindi masaya sa pagpapakasal ni Leo kay Lisa

ABS-CBN.com June 13, 2018 03:06 PM

 

Habang natutulog ang bagong kasal na sina Lisa (Jodi Sta. Maria) at Leo (Robin Padilla) ay tumawag naman si Tinay sa kanyang Kuya at nagpanggap na masakit ang kanyang tiyan at sinabing kailangan siyang dalhin nito sa ospital.


Sinabi ni Leo na papasamahan siya nito kay Chot (Ryan Bang) sa ospital ngunit nagpumilit si Tinay na ito ang dapat na magsugod sa kanya sa hospital. 


Dumating naman sa bahay si Leo na nag-aala sa kanyang kapatid ngunit nawala na raw ang sakit sabi ni Tinay. 


Habang nag-uusap sila ay napansin nina Tisay (Ali Forbes) at Tads (Ylona Garcia) ang singsing sa nakasuot sa kamay ni Lisa at nagtanong kung nag-propose na ba ang kanilang kuya kay Lisa. Dito naman ibinalita nina Leo at Lisa na kasal na silang dalawa. Masaya ang lahat maliban kay Tinay.
 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related