Weekdays at 11:30 AM

VIDEOS

Show Logo

Mona, nalaman na kasal na sina Leo at Lisa

ABS-CBN.com June 14, 2018 05:11 PM

 

Mula sa pagpapaalis sa kanila ni Joana (Pinky Marquez) sa kaniyang bahay ay bumiyahe na sina Martin (Richard Yap) at Mona (Jodi Sta. Maria) upang maghanap ng hotel. Habang kumakain naman sila ay tumawag na si Lisa (Jodi Sta. Maria) kay Mona upang ibalita na kinasal na silang dalawa ni Leo.


Magkahalong gulat at tuwa naman ang naramdaman ni Mona nang malaman ito. Masaya naman siya para kina Leo at Lisa. 


Inimbitahan naman ni Lisa si Mona sa kanilang magiging selebrasyon. Nabanggit din ni Mona kay Lisa na close na ulit sila ni Martin. Narinig naman ni Martin si Mona na nagsabi ng “Congratulations” at nagtanong ito kung sino ang kausap niya. Para hindi mahuling si Lisa ang nasa kabilang linya ng telepono ay nagkunwari na lamang si Mona na si George ang kanyang kausap. 
 

 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related