Weekdays at 11:30 AM

VIDEOS

Show Logo

Lisa at Martin, magkakatrabaho ulit

ABS-CBN.com July 11, 2018 04:10 PM


 

Nagulat si Martin (Richard Yap) nang ipakilala ni Sandra (Irma Adlawan) si Lisa (Jodi Sta. Maria) bilang bagong empleyado ng YTC. Dito napag-alaman ni Sandra na magkakilala pala ang dalawa. 

Sa pag-uusap nina Martin at Lisa, tinanong ng una kung okay lang ba kay Leo na magkatrabaho silang dalawa. Sagot naman ni Lisa na okay lang naman siguro ito kay Leo ngunit sasabihin niya pa rin ito sa kanya.

Natanong din ni Lisa kung kumusta sina Martin at Mona. Sinabi ni Martin na hindi pa rin siya kinakausap ni Mona. Ayon kay Lisa ay bigyan lamang ng panahon ni Martin si Mona at magkakaayos din sila.




If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related