Weekdays at 11:30 AM

VIDEOS

Show Logo

Mona, iniiwasan pa rin si Martin

ABS-CBN.com July 12, 2018 02:01 PM


 

Nagulat si Mona (Jodi Sta Maria) nang malaman na si Martin (Richard Yap) ang tumawag para magpalinis ng kanyang opisina sa Tabayoyong Cleaning Services.

Dahil umiiwas pa rin kay Martin ay hindi na ito sumama pa kay Leo (Robin Padilla) sa pag-akyat sa opisina. Nang malaman ni Martin na nasa baba lamang ng building si Mona ay bigla na lamang itong sumulpot sa tabi nito. Sinabi niya sa tinder na siya na ang magbabayad sa biniling pagkain ni Mona. 

Panay ang pangungulit ni Martin kay Mona at tinatanong ang huli kung bakit hindi niya sinamahan si Leo sa trabaho. Dahil sa ayaw niyang sagutin si Martin nang harapan ay pinadaan niya ang kanyang mga sagot sa tindero.

Nagalit ang tindero at sinabing hindi siya messenger at sa halip ay sinabing mas maiging mag-text na lamang sila kung ayaw nilang kausap ang isa’t-isa.




If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related