Weekdays at 11:30 AM

VIDEOS

Show Logo

Mona, sinusundan ng mga di kilalang tao

ABS-CBN.com July 12, 2018 02:06 PM

 

Naisip ni Mona (Jodi Sta Maria) na bilhan ng barbeque si Leo (Robin Padilla) bilang pambawi sa hindi nito pagsama sa kanya sa paglilinis ng opisina ni Martin (Richard Yap).

Nakita ng mga alagad ni Emil (Manuel Chua) si Mona (Jodi Sta. Maria) sa ihawan ng barbeque. Napansin naman ni Mona ang grupo na nakatingin sa kanya kaya dali dali siyang umalis.

Tinext niya si Leo (Robin Padilla) para humingi ng tulong. Nang mabasa si Leo ang text ni Mona ay pinuntahan niya ito agad. Naabutan siya ni Leo na nakatago sa likod ng kotse.

Walang kaalam-alam si Mona na ang mga lalaking humahabol sa kanya ay mga tauhan ng taong kanyang tinakasan sa sabungan. 




If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related