MONDAY-FRIDAY AFTER THE BETTER HALF!
Show Logo

SHOW UPDATES

#TGLUnforgettableFinale: Gloria, may nakakaiyak na mensahe para sa kaniyang mga mahal sa buhay

ABS-CBN.com April 21,2017 03:03 PM

 

 

 

Andrei anak, pag mabuhay ako ulit at magkakaanak muli, ikaw pa din ang hihilingin ko sa DIYOS, pagkatapos ng iyak na yan, ngumiti ka na ha, kasi maganda ang pupuntahan ko at don makakasama ko na ang tatay Peter mo😀 siya ang mag aalaga sa akin don kagaya ng pag alagang ginawa mo sa akin hanggang sa kabaong ko. Salamat anak, salamat sa sobrang pagmamahal mo sa akin. Gusto ko, pag tinitingnan kita, ang matatamis mo pa ding mga ngiti ang makikita ko😀hindi ang mukhang yan😀 ang pagiging masayahin mo pa din ang hahanap hanapin ko. Nak, maganda ang puso mo, baonin mo yan kahit san ka magpunta, at andito lang ako laging aalalay sayo, pag napagod ka din kausapin mo ako, hindi mo man ako maririnig pero sisiguradin ko na lahat ng sasabihin mo ipaparating ko sa DIYOS😀 alalayan mo din ang ate amanda mo at mga kapatid mo pati mga apo ko😀buoin nyo ni ate mo ang pamilya natin. Wag kayong maghiwahiwalay. Aasahan ko yan😀Mahal na mahal kita anak😀 hanggang sa muling pagkikita😀 babye andrei😀 i love you💋❤️💋 #thegreatestlove #tgltheunforgettablefinale #kapamilyagold #abscbn #tgltv #gmounit

A post shared by Jojo Atayde (@sylviasanchez_a) on

 

 

Paeng, ang anak kong mahilig magsugal😀 sa akin ka mana anak😀 sinugalan kita at hanggang ngayon sinsugalan pa din kita at alam ko kaya mo yan, magiging successful ka😀 anak yata kita😀 at kahit wala na ako pagnagtagumpay ka na, andyan naman ang mga kapatid mo na makakahati mo sa tuwat saya mo😀 Mabait ka na bata, naligaw ka lang, ok lang yan anak, maraming pagkakataon na pwede kang magbago, ang importante nagbago ka at bago ako lumisan, naparamdam mo sa kin ng sobra sobra ang pagmamahal mo 😀 at salamat anak, maraming maraming salamat paeng ko😀 nak, pag napagod ka ha, kausapin mo ako, lagi akong makikinig sayo😀 at ipaparating ko lahat sa DIYOS ang saloobin mo😀 mahal na mahal kita anak😀 hihintayin kita dito😀 hanggang sa muling pagkikita😀 babye! #thegreatestlove #tgltheunforgettablefinale #kapamilyagold #abscbn #gmounit #tgltv

A post shared by Jojo Atayde (@sylviasanchez_a) on

 

 

 

Z, apo ko, salamat sa walang sawang pagmamahal mo at sa walang sawang pag iintindi mo sa akin, hinding hindi kita makakalimutan apo. Tama na iyak😀 isipin mo ako na magiging angel mo😀 tagabantay mo at tagadasal mo dito sa langit, d mo man ako makikita na pero mararamdaman mo pa rin ako na lagi akong nasa tabi mo😀 usapan natin ha, mag dodoctor ka, ituloy mo pangarap mo at pagnatagumpayan mo yan, ako mismo ang unang papalakpak sayo, at magpapaparty ako dito sa langit😀 lagi mong sundin ang mommy mo, iwasan mong saktan sya at bigyan ng problema, kung di mo sya maintindihan, magdasal ka at kausapin mo sya at ipaliwanag kong ano ang nararamdaman mo at kung ano ang gusto mo, at pakinggan at intindihin mo din kong ano din ang gusto nya, magkaintindihan kayong mag ina, dahil sa bandang huli kayo din naman ang magkakampi😀 mahal na mahal ka ng mommy amanda mo apo😀 gaya ng pagmamahal ko sayo😀 busilak at maganda ang puso mo, wag mong hayaang madumihan to😀 sandata mo yan kahit kanino at kahit san ka magpunta😀 paalam apo ko, hanggang sa muling pagkikita😀 i love you❤️ #rhegreatest #tgltheunforgettablefinale #kapamilyagold #abscbn #gmounit #tgltv

A post shared by Jojo Atayde (@sylviasanchez_a) on

 

 

 

 

 

Related