MONDAY-FRIDAY AFTER GOBLIN
Show Logo

SHOW UPDATES

Fans, di matanggap na matatapos na ang wildflower

January 13,2018 10:53 AM

 

“The end is near.”

 

Iyan ang pasabog na statement ng hit teleseryeng “Wildflower” noong Biyernes (Jan 12) ng gabi na agad ikinalungkot ng netizens.

 

Hindi pa man nagtatapos ay nagpahayag na ang ilan ng pagka-miss sa seryeng talaga namang tinutukan at pinag-usapan ng bayan.

 

“Haaaay parang di ko na ma-imagine ang buhay ng walang ‘Wildflower.’ Whyyy. #WildflowerTEN,” sabi ni @yourmajestyivy.

“Hindi ko matanggap na The End is Near. Magtatapos na ang drama na talagang minahal ko. Mamimiss ko ang mga suot ni Maja,” dagdag ni @ownlydyanri_

 

“Di ko kaya yung #WildflowerTEN. Ayoko pa matapos ang ‘Wildflower.’ Hindi pa ako ready,” sabi ni @iammarifhelts

 

“Extend pa please. Kahit sa August pa matapos please.. #WildflowerTEN,” makaawa naman ni @maxwellchan4.

 

Nakakaintriga ang hinahanda ng “Wildflower” sa nalalabi nitong oras sa ere base na rin sa teaser video na ipinakita nito kung saan may hawak ang cast na invisible na mga armas at nagpapaputok sa iba’t ibang direksyon. May linya pa ang lead star na si Maja Salvador sa dulo na “giyera na to.”

 

Bago iyan may larawan din sila kung saan naekis at nawala ang picture ni Wendell Ramos, senyales na patay na ang karakter niya na si Raul.

 

Ano pa kaya ang mga susunod na aabangan?

 

Huwag palalampasin ang “Wildflower,” Lunes hanggang Biyernes bago mag-“TV Patrol” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @wildflowerabscbn sa Instagram, @RSBDramaUnitNew sa Twitter at i-like ang official Facebook page ng programa sahttps://www.facebook.com/wildflowerchannel2/.

 

Panoorin ang past episodes ng palabas sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

 

Related